Nakapanayam ng LB Times ang mga kandidato para senador na sina Antonio Trillanes IV, Greco Belgica, Rizalito David, Baldomero Falcone, Marwil Llasos, at Christian Seneres matapos ang programang “Ang Pagsusuri” noong Enero 31 sa D.L Umali Hall, UPLB. Sa pagkakataong ito ay ibinihagi ng mga kandidato ang kani-kaniyang mga plano at opiniyon ukol sa pagpapaunlad ng mga State Universities and Colleges (SUCs) sa bansa kung sakali mang sila ay mahalal bilang senador.
Narito ang kanilang mga tugon sa tanong na: “Kung sakaling ikaw ay mahalal bilang senador, paano mo matutulungan ang mga State Universities and Colleges sa bansa?”
Greco Belgica:
“Palalawakin natin ang pondo na available para sa inyo. At hindi lamang po iyan, maglalabas po tayo ng voucher system para sa kahit na sinong estudyante na gustong mag-aral ay pwedeng kunin ang kaniyang voucher at tseke at dadalhin sa eskwelahan na gusto niya. SUC man o pribado, siya ang magde-decide.”
Follow up: Gaano kaya ka-feasible ang voucher system?
“Ginagawa na po iyan all over the world. Sa mga mauunlad na bansa at dito na rin po ay mga scholarships na ginagawa. It’s very simple. Ang pera na nilalagay mo sa PDAF, ilagay mo sa voucher system at ibigay sa mga estudyanteng gustong mag-aral. Mag-apply ka lang. Estudyante ka, gusto mo mag-aral, kunin mo ang voucher at dalhin mo sa eskwelahan.”
Rizalito David:
“Ang sa akin talaga, patatagin muna ang mga existing state colleges and universities, punuan ng badyet. May mga ibang activities pa tayo na pwedeng gawin katulad ng pagbibigay ng mga land grants tulad doon sa mga ibang mga state colleges and universities para ma-augment ang kanilang income. Huwag munang magpatayo ng mga bago, bagkus ay palakihin ‘yung subsidy sa mga private education para hindi na tayo mag-create ng mga administrative mayors pa uli na su-swelduhan ng panibago. Kakainin na naman ‘yung para sa estudyante, napupunta sa administration. Bigyan ng malaking subsidy ang private education ‘yung SUCs , patatagin at dagdagan ng pondo.”
Marwil Llasos:
“Una sa lahat, palalakasin natin ‘yung state universities and colleges, dadagdagan natin ‘yung pondo imbes na bawasan at tutulan natin ‘yung tuition fee increase. Sapagkat kung meron namang pondo na papasok, halimbawa, ay hindi na kailangang magdagdag pa ng tuition sa ating mga state universities and colleges. Papatatatagin natin ‘yung faculty. Dapat magkaroon ng faculty development programs, ‘yung competencies nila i-upgrade para hindi napa-pirate ng private sector. Higit sa lahat, bakit hindi natin gamiting catalyst for economic transformation ang state universities and colleges system? Kagaya sa Visayas State University, agriculture sila kagaya ng UPLB. Dapat turuan ‘yung ating mga magsasaka ng mga makabagong pamamaraan ng agrikultura para mapagyaman ‘yung ating agricultural sector. ‘Yung fisheries naman, turuan ‘yung mga mangingisda ng tamang pangingisda na environment friendly.”
Antonio Trillanes IV:
“They can expect full support. Ipagpapatuloy natin ang scholarship programs, ang binibigay nating mga professorial chairs at kung ano man na pieces of legislation ng kailangan ng SUCs, I’ll be there. Being co-author ng UP Charter and being a product of the UP system, I’ll be there to help in whatever way I can.”
Follow-up: Bilang tutol po kayo sa K-12, ano kaya sa palagay niyo ang magandang alternatibo dito?
“Ang alternative natin ay provide muna natin ang mga kulang: shortages sa classroom, teachers, books, chairs and tables tapos increase ng salary ng teachers. By then we would have provided a classroom environment that is conducive to learning. So ‘yun ang gawin natin kasi ‘yung mga product ng 10 years education program are, I believe, as competent with the global counterpart and I believe even magdagdag ng 2 years ‘yung mga high school students in the future, they can never be better than what they produced before. So ‘yun ang aking paniniwala.”
Baldomero Falcone:
“We’ll ask the government to provide capital and to provide a few weeks to teach them securitization. Kasi ang securitization makes us not dependent on the era. Because it accesses global banks from all over the world so that lalong madevelop yung mga natural resources natin. We’re only growing at 7.1 at the best per year. Pero kung mag-securitize tayo, probably 15 or even 20. Every Filipino hands wifll have their hands full in developing natural resources of the country from coconut, to bamboo, to sugar cane.
Ang dami nating magagawa sa natural resources natin. Of course, securitization plays an important role there. Kasi hindi sya dependent sa credit facilities of the bank and control of oligarch families. Ang securitization, di sya dependent on deposit liabilities of savings. It Depends on the trust funds which come from pension funds, high net worth individuals, SSS, GSIS and the like. Yun ang iaaccess mo through securitization. Plus, of course, big moneys coming from abroad who are interested in developing our natural resources . Kaya i’m really pushing for securitization as a great contribution by the studentry once learn that. Sobrang konti pa lang kasi ang may alam nyan (securitization) ngayon. Kaya kailangang ituro yan para na rin mapabilis ang economic advancement ng bansa.”
Christian Seneres:
“Isa po ako sa mga nagbalangakas ng UP Charter noong 2008 and that was during my second term. Sa palagay ko, ang pinakamatutulong ng mga mambabatas ngayon ay scholarship. Alam niyo ba,congressman nga lang milyones and scholarship fund na pwedeng ipamigay sa students of SUCs? During my time as congressman, lahat ‘yun nilaan ko sa mga estudyante ng UP Diliman. So sa senador di ko alam kung magkano ‘yun pero discretionary ‘yun on the part of a law maker. Basta estudyante ng SUCs, especially UP Diliman, ‘yun ang pinakamalapit, lahat ‘yun binigay ko. Diba maraming issues ngayon about tuition. Hindi nga dapat budget cut, dapat nga i-increase pa lalo. Before, we were the envy. The UP System was the envy of the entire Asia. So ngayon ano? Sa ranking ngayon, umaabot pa ba ngayon sa top 40?Hindi ko na alam eh. Sinasabi sa Saligang Batas na ang pinakamalaking budget dapat ay sa education. ‘Yun pa ang isa nating ipaglalaban.”