Ilog Saran, nilinis bilang bahagi ng ‘Battle for Manila Bay’ cleanup activity

Ulat ni John Warren G. Tamor

(UPDATED) Pinangunahan ng DENR-Laguna Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) ang paglilinis ng Ilog Saran sa Brgy. Anos at Brgy. Malinta noong Enero 27, 2019 kasabay ng paglulunsad ng malawakang ‘Battle for Manila Bay’.

Continue reading

Los Baños Dugong Bayani: Blood Donation Drive, isasagawa

Ulat ni Alyanna Marie B. Lozada

Idaraos ang taunang Los Baños Blood Donation Drive na may temang “Los Baños Dugong Bayani” sa darating na ika-16 ng Pebrero 2019 sa Activity Area, New Municipal Building, Los Baños, Laguna mula 8 ng umaga hanggang 2 ng hapon.

Continue reading

Best Beginnings in Breastfeeding, idinaos sa Los Baños

Ulat ni David Clemente M. Alcala

Idinaos ang Best Beginnings in Breastfeeding class noong ika-26 ng Enero sa Continuing Education Center sa University of the Philippines Los Baños para sa mga pamilya upang mas matulungan ang mga ina sa kahalagahan ng breastfeeding o pagpapasuso sa kanilang mga sanggol.

Continue reading

Ikalawang aplikasyon para sa Iskolar ng Laguna, isinagawa

Ulat ni Andrea Mhae H. Tomas

Tinatayang 1,800 iskolar mula sa Los Baños, Bay at Cabuyao ang dumagsa sa Calamba Elementary School noong Enero 19 upang mag-proseso ng pagpapanibago o renewal ng aplikasyon para sa Iskolar ng Laguna ngayong ikalawang semestre.   Continue reading

Sunog, naapula agad ng mga tricycle driver at residente sa Putho-Tuntungin

Gallery

This gallery contains 5 photos.

(UPDATED) Nasunog ang isang kubo sa Purok 6, Brgy Putho-Tuntungin, Los Baños, kaninang mga 8.30 ng umaga, at naapula rin agad sa tulong ng mga tao sa barangay. Walang nasaktan sa insidente. Ayon kay Jose Melodillar, 56 taong gulang, nasa … Continue reading

Autopsy report sa pagkamatay ni De Chavez, hinihintay

(Ulat ni Jyasmin Calub-Bautista)

[Ang balitang ito ay karagdagang ulat sa buy-bust operation sa Bay, Laguna na ibinalita ng lbtimes.ph noong ika-9 ng Enero. https://lbtimes.ph/2019/01/09/lalaki-patay-sa-pamamaril-sa-bay-laguna/ ]

Hinihintay pa ng funeraria at ng pamilya ang paglabas ng autopsy report sa pagkamatay ni Ruel De Chavez, ayon kay Michael Morales, President at CEO ng Susan E. Vasquez Funeral Home sa Brgy. Maahas, Los Baños, Laguna. Dito dinala ang mga labi ni De Chavez matapos itong masawi noong Enero 9, 2019 sa Brgy. Masaya, Bay, Laguna. Ayon kay Morales, kadalasan ay nagbibigay ng report ang Philippine National Police (PNP)-SOCO sa loob ng 2-3 araw matapos isagawa ang autopsy.
Continue reading