Ulat nina Kristine Tada at Giane Tolorio Opisyal nang magsisimula ang mga aktibidad ng Make It Makiling! (MIM) ng UPLB Makiling Center for Mountain Ecosystems (MCME), ngayong araw, ika-27 ng Marso, 2024. Ayon kay Ms. Ruffa Guab, overall coordinator ng … Continue reading →
Ulat nina Regina Angeldawn Sena at Renz Remedios Marie Bautista Ano ang DaLakTik Festival? Pangingisda, pagbubulaklak, at pag-iitik – Ito ang tatlong industriyang bumuhay at bumubuhay sa Barangay Mayondon sa Los Baños. Gamit ang huling pantig ng tatlong industriyang nabanggit, … Continue reading →
Idinaos ang huling parte ng “EDefy: An Educational Discussion Series on Our Urgent Tasks as the Youth” sa pangunguna ng ADHIKA – Southern Tagalog sa second floor lobby ng Student Union (SU) Building, UP Los Baños, noong Marso 21, 2024, Huwebes.
Pinamagatan ang diskusyon na “The Best in the Youth Emerge: Student Power in Effecting Social Change”. Ito ang nagsilbing pang-buod na sesyon sa apat na araw na educational discussions tungkol sa iba’t ibang krisis ng bansa.
Sa nasabing sesyon, tinutukan ang tema ng student power at ang epekto nito sa social change. Layunin ng diskusyon na palalimin ang usapin sa papel ng kabataang mag-aaral na maging aktibong kalahok at tuminding para sa katotohanan, hustisya, at demokratikong karapatan lalo na ng mga manggagawa.
Binuksan ni Siegfred Severino, Regional Coordinator at Spokesperson ng National Union of Students of the Philippines – Southern Tagalog, ang talakayan gamit ang tanong na, “Can the students, all by themselves, effect genuine social change?”
Ayon kay Severino, ang mga kabataang estudyante ay nasa pagitan ng burgis at uring manggagawa dahil sa makapangyarihang impluwensya na mayroon ang mga ito. Dagdag pa niya, ang mga karanasan ng kabataan bilang estudyante ang nagdudulot sa kanila na makita ang realidad ng mundo at mas maunawaan ang kondisyon nito higit na lalo ang mga uring manggagawa.
Binanggit din ni Severino ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan ng mga kabataang estudyante sa mga manggagawa para magkaroon ng mas malalim na kaalaman kung paano ang mga ito ay naaapektuhan ng mga krisis sa lipunan.
“Dapat nating iugnay ang mga karanasan natin bilang kabataang estudyante sa mga uring manggagawa. Bilang catalyst for change, ang lahat ng naiisip natin ay nagre-reflect dapat sa batayang sector para makita kung may magandang pagbabago ito o epekto,” saad ni Severino.
Bago matapos ang talakayan, sinagot niya ang naunang katanungan tungkol sa kung magagawa ba ng isang mag aaral na baguhin ang lipunan ng sila lamang. “Hindi, dahil madalas o ang iba sa atin ay mas ginugusto na maranasan muna ang komportableng buhay sa sarili bago ang iba, which is hindi dapat. Tandaan natin na hindi magiging komportable ang buhay natin kung hindi magiging komportable ang batayang sektor,” aniya.
Ang mga kalahok sa nasabing programa ay nagbigay din ng kani-kanilang opinyon tungkol sa mga naitalakay. “A little noise can cause a massive riot,” paglalarawan ni Angel, isa sa mga kalahok, sa tungkulin ng mga kabataang estudyante sa lipunan. “Hindi lang dapat tayo nakapaloob sa isang triangulo, dapat palawak tayo dahil we can be catalyst for genuine social change by mobilizing the masses,” dagdag pa niya.
Isinaad naman ni Lep, isa rin sa mga nagsipagdalo, ang kanyang opinyon tungkol sa tunay na kahalagahan ng pakikipamuhay batay sa kanyang mga naging karanasan at nasaksihan. “Mahalaga ito dahil doon natin makikita na totoo talaga ang mga pinaglalaban natin. We should remember na we’re not fighting for them, but we are fighting with them,” aniya.
Sa pagtatapos ng diskusyon, hinikayat ng mga tagapagsagawa ng programa ang bawat organisasyon na magsulong ng mga aktibidad na nakasentro sa masa tulad ng community integration. Inanyayahan din ni Zeadric Roxas, isa sa mga miyembro ng ADHIKA-ST, ang mga kalahok na sumama sa isang progresibo at kolektibong panawagan sa mga isyu ng lipunan.
Ang EDefy ay isang educational discussion series na isinasagawa ng Alyansa ng Kabataan para sa Tunay na Demokrasya, Hustisya, at Katotohanan (ADHIKA) – Southern Tagalog upang palakasin ang panawagan sa mga isyung kinakaharap ng bansa at bigyang diin ang papel ng kabataang mag-aaral sa paglutas ng mga ito.
Tampok sa apat na araw na serye ngayong taon ang mga usapin tungkol sa Jeepney Phaseout, Charter Change, Political anatomy ng Pilipinas, at student power.
Ulat nina: Coleen Andoy at Anna Nicole Francisco Matulin ang takbo, lumilipad, at invisible—ilan sa mga kilalang superpower ng mga hero, ngunit para kay Eugene “Uge” Cruzin, anak ng isang jeepney driver, sapat na ang tatay niyang tsuper upang maipinta … Continue reading →
Ulat nina: Redjie Myr Florendo & Pia Camarillo Bilang proteksyon sa mga indibidwal na biktima ng karahasan sa loob ng kanilang tahanan, pormal na inilunsad ng pamahalaang lokal ng Lungsod ng Calamba ang Katarungan Laban sa Karahasan sa Tahanan Program … Continue reading →
Ulat ni Sharmaine De la Cruz Ang paggamit ng sining sa pagtuklas sa kapaligiran ay nagbibigay ng bago at malalim na dimensyon sa pag-unawa at pagpapahalaga sa kalikasan. Sa pamamagitan ng mga likhang-sining, napapalapit at nagiging mas personal sa mga … Continue reading →