Diversify energy sources, says Cabanilla

“There has to be other sources of energy.  We have to diversify.”

This was the main argument of Dr. Liborio S. Cabanilla, a retired professor and former dean of the College of Economics and Management (CEM), during his talk titled “Renewable Energy Development: A Good Political and Economic Agenda” on Thursday, June 27 at the Institute of Cooperatives and Bio-Enterprise Development (ICOPED) Auditorium, CEM, University of the Philippines Los Baños.

Though electricity in Mindanao which originates mostly from hydropower energy is low cost, its stability is uncertain and it is sensitive to any climatological changes, as explained by Dr. Cabanilla.

“Pag walang ulan, wala ka ng supply ng electricity. At lalo pang masama ‘yan, kung ‘yan lang ang pinanggagalingan ng electricity.”  (If there’s no rain, then there will be no supply of electricity. What’s worst is if that is the only source of electricity).

Dr. Cabanilla stated that the Philippines’ access to electricity is low compared to Malaysia, Thailand and Vietnam.   According to news reports, the Department of Energy (DOE) targets the country’s electrification level up to 90% by 2017.

From the issues raised during the seminar about the limited energy sources, Dr. Cabanilla pointed out the importance of the agriculture sector in the development and expansion of renewable energy sources particularly the use of biomass –an energy source derived from biological materials such as waste products, plants, and other raw materials like rice straws or dayami and bagasse or the extracted pulps of sugarcane.  Biomass could potentially produce approximately 235 megawatts.  Philippines can harness the production of biomass through the consolidation of the raw materials which can be converted into bioenergy such as biofuels.

“Energy is very important.  It is important likewise that we should not depend solely on very few sources of energy.  It makes sense to expand and diversify the sources of energy and energy from agriculture is important,” he emphasized.

Dr. Cabanilla argued that renewable energy sources in the Philippines should be diversified in order to have stable electricity access.  Economically, consumers tend to demand more in a limited energy supply.  He considered the case of Mindanao which is affected by rotating blackouts.

“As demand expands, supply has a limit.  The price of electricity will be forced to increase but, because the government regulates it, the price stays there.  Result…blackout,” said Cabanilla using the supply and demand graph pertaining to the limited energy sources.  He compared this graph with the one pertaining to diverse energy sources in which demand compensates with the supply.  Aside from hydro, Luzon and Visayas have more diverse stable energy sources –wind, geothermal, solar and fossil fuels.

“Mindanao is still suffering from rotating brownouts as much as 8-10 hours in some places,” he added.

Limited energy source also affects the level of electrification in the Philippines.  Dr. Cabanilla stated that the average electrification level in the country is about 80%.  Lower than 80% signifies the lack of electrical distribution which is evident in some areas in Mindanao like ARMM, Region 9, 11, 12 and Region 4-B in Luzon.  In contrast, the average cost of electricity per kilowatt-hour is close to 8.6 to 8.7 pesos.  In Mindanao, the cost of electricity plays at about 6 pesos. (Don Q. Castillo)

6 na mag-aaral ng UPLB, wagi sa 2013 Gawad San Luis

ni Levi Joshua A. Verora Jr.

Wagi ang anim na mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas Los Baños sa katatapos lamang na 2013 Gawad Felicisimo T. San Luis para sa Namumukod-Tanging Kabataan ng Laguna nitong Sabado, Hunyo 22 sa Sta. Cruz, Laguna.

Kabilang sa mga pinangaralan ang tatlong nakapasok sa top 10 na sina John Cynex Sollorano, Veah Fleurdeliz Escote, at Venuel Robel. Tatlo naman ang nakapag-uwi ng special awards sina Candy Barcena, Earl Gio Manuel, at Stanley Gajete.

 photo 10151_597199190300538_550690922_n_zps0afbad9d.jpg

Patuloy na maglilingkod sa bayan sina Cynex Sollorano (ika-apat mula sa kaliwa) at Venuel Robel (ika-anim mula sa kaliwa) matapos kilalanin bilang ilan sa mga pinakanamumukod-tanging kabataan ng Laguna/Larawan mula kay Raiza Lansigan

Ang Gawad San Luis ay isang samahan na nagbibigay parangal sa mga natatanging kabataan sa lalawigan  ng Laguna. Bubuksan ang nominasyon para sa mga nais magsusumite ng kanilang mga pambato. Pagtapos ay susuriin ang mga ito at iaanunsyo ang mga opisyal na mga nominado.

Ang mga natanggap na nominado ay dadaan sa proseso ng screening o pagsasanay sa loob ng halos anim na buwan. Dito, layunin ng Gawad San Luis na linangin ang mga kabataan at tulungan silang matuklasan ang kanilang mga kakayahan. Matapos ang proseso ay gagantimpalaan ang Top 10 at ang mga Special Awardees base sa mga batayan ng samahan.

Ilan sa mga batayan ng Gawad San Luis ay ang kakayahang mamuno at makisama ng mga nominado at ang kanilang mga kontribusyon sa pagpapaunlad ng kanilang lugar.

Ang mga nagwagi ay kapwa dumaan sa matinding pagsubok sa final screening ng Gawad San Luis na tumagal ng halos limang buwan mula Enero hanggang Hunyo ng taong ito. Kada linggo ay nagpupulong ang mga nominees upang magkaroon ng mga talakayan, diskusyon at samu’t saring mga aktibidad.

Nakapanayam ng Los Baños Times ang dalawa sa mga nagwagi—sina John Cynex Sollorano mula sa kursong BS Biology at Venuel Robel, mag-aaral ng BS Economics. Inilahad nila ang kanilang mga pinagdaanang mga karanasan bago tuluyang makamit ang karangalan.

“Sapat na ang sertipiko kung tutuusin; malaking bagay na iyon sapagkat panalo ka na sa karanasan at sa pamilyang ibinigay ng Gawad,” ani Sollorano, na hindi raw inasahan na malagay sa Top 10. “Hindi ko talaga inaasahan sapagkat lahat ay magagaling. Ang tingin kong inilamang ko sa kanila ay ang pakikisama ko at pagsali sa lahat ng kategoryang mayroon.”

Ganito rin ang mga naging susi sa tagumpay ni Venuel Robel. “Malaking bagay ang dedikasyon sa patimpalak na ito. Hindi pwedeng mang-iwan sa ere at hindi mo iiwanan ang Gawad ng walang naaayos na gusot.” Si Venuel Robel ay wagi sa kategoryang high school, matapos magtapos sa Famy National High School.

Hindi lamang ang mga katangian ng isang Felicisimo San Luis ang natutunan ng mga naging kasapi ng organisasyon bagamat iba’t ibang aspeto ng mga buhay tulad ng pagkilala sa sarili, sa ibang tao, sa lipunan at iba. Ito ang ilan lamang sa mga bagay na hinding-hindi malilimutan ng mga nagsipagtapos sa Gawad San Luis ngayong taon.

Bukod sa karangalang natanggap, isang pagsubok ang pagkakahirang na pinakanamumukod-tanging kabataan para kina Cynex at Venuel; ayon sa kanila, higit pa sa naiuwing mga tropeyo ang hamon sa kanila na mapatunayan ang kanilang angking galing pagdating sa paglilingkod sa sambayanan, sa mapakahit-anong paraan.