nina Camille Abiog at Hannah Aquino
Si Remia Adedoja ay isang business woman na mula sa bayan ng Los Baños. Siya ang may-ari at tumatayong punong tagapamahala o general manager ng Remdavies Enterprises.
Nagtatrabaho na ang dalawa niyang anak samantalang ang isa ay nag-aaral pa. Gayun pa man, kasama ang kanyang asawa, tulong-tulong nilang itinataguyod ang kabuhayan sa rattan at water hyacinth.
Rattan Furniture Business
Taong 1999 nang simulan niya ang pagbebenta ng mga muwebles na gawa sa rattan. Iniluluwas o export nila ang mga muwebles. Bukod doon ay may tindahan din sila sa palengke kung saan sila ay nagbebenta ng itlog.
Katuwang niya ang kaniyang mga anak sa negosyo. Bahagi ng kanilang proseso ay ang pagpapadala o shipmentat pagbabalot o packing ng mga muwebles. Bukod sa Laguna, nagkaroon din sila ng pabrika sa Pampanga.
Nakasama niya sa negosyo ang buong pamilya, pamangkin at kapatid niya. Dati, sila ay nagpupunta sa Angeles upang ibalot lahat ng muwebles sa karton. Sama-sama silang nagbabalot at nagpupuno ng isang mahabang kaha o container.
Aniya, “Mas malaking workforce ang kailangan namin dito kasi isang puntahan lang, magbabalot kami tapos itatabi doon sa container.”
Natuwa si Remia sa kaniyang hanapbuhay. Marami ng lugar ang kanilang napuntahan. Ngunit may mga oras din na nakaranas sila ng hirap sa pagpapatakbo nito. Nabanggit niya na maraming manggawa ang kailangan sa negosyong iyon.
Water Hyacinth Business
Masaya si Remia sa kaniyang hanapbuhay mula sa water hyacinth. Hindi lamang nila pinagkakakitaan ang mga handicrafts o gawaing-kamay. Nakukuha din sila bilang mga tagapagsanay o livelihood trainers sa iba’t ibang bahagi ng bansa. At bilang mga tagapagsanay, ibinabahagi nila ang teknolohiya at kaalaman sa kapwa Pilipino.
Ani Remia, “Nasa tao lang kung ano ang goal na nais abutin. Kung ang layunin ay maka one million sa dalawang buwan, kailangan magtrabaho ng double time. May ‘extra effort’ ika nga, at maaabot ang layunin.”Para sa kanya, kapag nagkaka-edad na, kadalasan ay ayaw na ng maraming problema, kaya nais niya na hinay-hinay lamang sa negosyo para walang pagod at hindi mabilis magkasakit.
Paminsan-minsan, mayroon din nararanasang problema sa water hyacinth business sila Remia. Kapag naaantala ang produksyon ay may bayad o multa. Dahil dito, mas mainam na kaunti lang ang bilang ng araw ng pagkaantala upang maliit ang magiging multa.
Katulad noong nakaraang taon, nagluwas o exportsila ng mga produkto. Kailangang mas mabilis ang produksiyon. Araw-araw ay puyat sila upang hindi maantala ang paggawa at hindi mapatawan ng multa. Kung minsan, kailangan nilang pumunta sa Bicol upang madagdagan ang produksiyon. Dahil dito mas malaki ang nagagastos. Sa ngayon, lokal na suki na lamang muna ang kanilang pinagkakaabalahan.
Pagsubok Sa Kabuhayan
Ayon kay Remia, mayroong bahagi ng pagkalugi sa preproduction kapag nagsisimula pa lamang sa negosyo. Sabi niya,
“Dahil namumuhunan ka, puro ka labas ng pera.” Mayroon din pagkalugi kapag sumali sa isang trade fair. Halimbawa ang bayad upang makidalo sa kalakalan ay PhP 10,000. Kung ang benta ay PhP 10,000 lang rin, walang kita sa araw na iyon.
Kung kaya naman ay pinipili niya ang mga sinasalihang trade fair. Bilang general managerng negosyo sa water hyacinth, ang pangunahing gawain ni Remia ay pangangasiwa sa produksyon o Itutuloy sa pahi paggawa ng mga produkto. Mas madali ang bentahan kapag may ibebenta. Maaari lamang magkaproblema sa paggawa kapag kaunti ang mga produktong nagawa, kaya kaunti rin ang nagiging benta. Kaya ang mga manghahabi ay kailangang alagaan. Tinitingnan din niya mga kagamitan o raw materials. Kailangan ay palaging mayroong supply.
Inaasikaso rin ni Remia ang mga tauhan. Mayroon siyang mga pamangkin sa produksyon. Ang bunsong anak niya ay nagsisilbing kalihim. Ang dalawa pang anak ay nakatalaga sa mga aktibidades at gawaing nagpapakilala ng kanilang produkto sa merkado. Ang asawa naman niya ay namamahala sa produksyon at tumutulong sa coatingat finishingng mga produkto.
Hindi lamang salapi ang puhunan nila Remia. Husay sa pamumuno, talino sa pagpapatakbo ng negosyo, at malasakit sa mga empleyado. ‘Yan ang mga sangkap na naghabi sa kanilang magandang hanapbuhay –– ang Remdavies Enterprises.