Ulat ni: Camille Villanueva “Walang pinipili ang COVID. Kahit na sobrang nag-iingat ka, one wrong move pwede kang magka-COVID.” Hindi inakala ni Alyanna Marie Lozada na sa kabila ng kanyang pag-iingat ay magiging positive siya sa COVID-19. Si Alyanna ay … Continue reading
Monthly Archives: April 2021
Kapakanan o Kagutuman: Magkataliwas na Pangamba ng Isang Factory Worker
Gallery
This gallery contains 1 photo.
Ulat ni: Danessa Lorenz M. Lopega Mahigit isang taon na ngunit tila nananatiling isang hiling pa rin ang mga panawagan ng maraming manggagawang Pilipinong higit na naapektuhan ng pandemya. Ang seguridad sa kanilang trabaho, kaligtasan mula sa COVID-19, at access … Continue reading
Suplay ng trabaho sapat; job mismatch mataas pa rin — PESO LB
Gallery
This gallery contains 2 photos.
Ulat ni: Alie Peter Neil Galeon Bagaman nananatiling sapat ang suplay ng employment opportunities sa Los Baños, nilinaw ng Public Employment Service Office (PESO-LB) na nakatakdang dumoble ang bilang ng mga residenteng walang trabaho kasabay ng patuloy na pagtaas ng … Continue reading
Artemio Ortega, street musician, pumanaw na
Image
ulat ni Elijah Jesse Pine
Pumanaw na noong Martes, Abril 12 ang bulag na street musician na si Artemio Ortega, mas kilala bilang Kuya Tem o Mang Alexander. Siya ay 47 taong gulang.
Maaalala si Kuya Tem sa madalas niyang pagtugtog sa Jollibee Junction ng mga awiting gaya ng Top of the World gamit ang kanyang silindro. Sa gitna ng halu-halong init, usok, at ingay sa kalsada, nagbigay ginhawa ang musika ni Kuya Tem sa bawat pasahero at drayber na nakarinig sa masigasig niyang pagtugtog.
Ayon kay Mehida Mildred Estrella, pamangkin ni Kuya Tem, pumanaw siya noong Abril 12 bunsod ng acute respiratory failure.
Ipinanganak na bulag si Kuya Tem. Noong siya ay labing-anim na taong gulang, nakapag-aral siya ng self-mobility matapos maipadala ng DSWD sa National Vocational Rehabilitation Center (NVRC) sa Maynila. Sa naturang center nagsimula ang pagkahilig ni Kuya Tem sa pagtugtog, matapos kumuha ng isang klase sa musika. Bukod sa silindro, tumutugtog rin siya ng organ.
Naging daan ang pagkahilig ni Kuya Tem sa musika upang makabisita at makatugtog siya hindi lamang sa Los Baños, ngunit maging sa San Pablo, Mindoro, at Marinduque.
Noong 2017, na-feature ang kwentong musika ni Kuya Tem sa isang special episode ng Dito Sa Laguna. Kasabay ng Linggo ng Musikang Pilipino ang pagpapalabas sa nasabing episode.
Maaari itong mapanood sa http://bit.ly/2Qw1So8.
Sa taon ring iyon, isinagawa ng UP Silakbo, isang music organization sa UPLB, ang Areglo, isang benefit gig para kay Kuya Tem. Naging bahagi ng naturang gig ang mga bandang kagaya ng Jensen and the Flips at Ang Bandang Shirley. Nagkaroon din ng pagkakataong tumugtog sa entablado si Kuya Tem sa selebrasyong ito.
“Bilang anak, si Tem ay mapagmahal, responsable, may sariling disposisyon sa buhay, at higit sa lahat maka-Diyos,” ani Gng. Mehida Ortega, ina ni Kuya Tem.
Mula naman kay Ruth Veluz, isa sa mga organizers ng Areglo at miyembro ng UP Silakbo, “Maraming salamat, Mang Alexander sa araw-araw at gabi-gabi na pamamahagi mo ng iyong talento sa mga taga-Los Banos. Masuwerte kami at pinaunlakan mo ang imbitasyon namin na mapakinggan ng mas maraming tao ang musika mo.”
Sa mga nais magpaabot ng tulong sa pamilya ni Kuya Tem, maaaring magpadala sa GCash account na nasa ibaba:
MEHIDA MILDRED ESTRELLA – 09502514454
KWENTONG LB: Karanasan sa Bakuna laban sa Covid-19 ng isang Medical Frontliner
Gallery
Ulat nina Maria Sarell Vicente at Angeli Marcon Isa si Dr. Anthony Charles Dalmacio sa mga medical frontliners na unang nabakunahan ng AstraZeneca vaccine laban sa COVID-19 noong ika-19 ng Marso 2021. Si Dr. Dalmacio ay isang ENT o (Eyes, … Continue reading
Mobile app para sa online selling ng gulay, planong ilunsad ng OMA
Gallery
Ulat ni Aaron James L. Villapando Bilang tugon sa hamon ng Covid-19, planong ilunsad ng Office of the Municipal Agriculturist (OMA) ng Los Baños ang isang mobile application para sa online na pagbebenta at pagbili ng gulay. Planong ganapin ang … Continue reading