Kasabay ng pagdiriwang ng aming ika-40 na anibersaryo, ang Los Baños Times ay kinilala bilang 2023 Outstanding Extension Program ng College of Development Communication ng University of the Philippines Los Baños.
Iniaalay namin ang karangalang ito sa lahat ng mga estudyante, boluntir, at mga miyembro ng komunidad na aming nakatrabaho sa nakalipas na apat na dekada.
Noong 2023 ay sinikap ng LB Times na mas mapalawig pa ang pakikipag-ugnayan nito sa komunidad upang maging parte sila ng aming pamamalakad at maikwento nila ang kanilang mga karanasan gamit ang sarili nilang boses.
Nawa’y makasama pa namin kayo ngayong 2024 sa paglalahad ng kwento ng Los Baños.
Ito ang ilang mga litrato ng aming mga community engagement activities noong nakaraang taon.
Talaghay: Los Baños Times Community Partners’ Forum
Bilang bahagi ng pagsisikap nitong pag-ibayuhin ang pakikipag-ugnayan nito sa komunidad, isinagawa ng Los Baños Times ang “Talaghay: Los Baños Times Community Partners’ Forum” noong 20 Nobyembre 2023 sa College of Development Communication (CDC) Lecture Room 1 at Zoom.
Los Baños, nearby communities, nakatanggap ng libreng kopya ng bagong LB Times Magazine
Ang Los Baños Times ay nagmpamahagi sa komunidad ng libreng kopya ng bagong magazine format nito noong Oktubre haangang Disyembre 2023
Ang anim na magazine issues ay naglahad ng kalagayan ng iba’t ibang sektor sa komunidad at tumakay sa mga isyu tulad ng kalusugan at kagalingan, kabuhayan, edukasyon, kababaihan. at kasarian, at ang 2022 Philippine National Elections noong kasagsagan ng pandemya.
Mga libreng campus journ trainings isinagawa ng LB Times
Nakipag-ugnayan ang iba’t ibang paaralan at student organizations sa Los Baños Times noong 2023 upang magsagawa ng campus journalism at media and information literacy training para sa kanilang mga estudyante at miyembro:
- Journalism seminar-workshop bolsters campus journalists of Laguna University
- LB Times lectures on science journ at UPLB Perspective’s Paaralang Roger Sese 2023
- LB Times holds campus journ training for CDLB students
- LU Comm Circle fosters BA Comm students’ news reporting skills
- Christian School International nagsanay sa campus journ
- Fact-checking natutuhan ng kabataan ng Brgy. Tuntungin-Putho
Los Baños Times katuwang ng Bantay Halalan 2023
Naging katuwang ng Bantay Halalan Laguna ang Los Baños Times sa pagbabalita nito ukol sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections na ginanap sa bansa noong Oktubre 30, 2023. Lahat ng mga balita ng programa ay nailibag sa lbtimes.ph.