By Toni Krizia Vivares
Naipasa na sa Sanguniang Bayan ang Kautusang nagbabawal sa mga kabataang wala pa sa legal na edad na lumahok sa pangangalakal ng lahat ng uri ng basura, Pebrero nitong taon.
“It has pass through Sangunniang Bayan, and is now at the Office of the Mayor for approval”, ani Director Antonio J. Alcantara ng Municipal Environnment and Natural Resources Office (MENRO).
Ayon sa ordinansa ipinagbabawal ang lahat ng kabataang may edad 17 pababa na mangalap sa mga lansangan ng lahat ng uri ng basura, tulad ng mga plastic waste, PET bottles, bote, bakal, o anumang metal, sirang gamit, dyaryo at papel para maibenta.
“Bukod sa primary concern na health, indicated din ang Child labor law sa ordinace, kasi unang-una dapat nga nag-aaral sila. This is basically a business transaction.” ayon kay Alcantara.
Ayon sa Child Labor Law 7685 hindi maaring magtrabaho ang mga batang nasa edad 15 pababa. “Bukod sa basically pagtatrabaho ang pangagalakal dahil it involves money, iniingatan natin ang mga bata sa mga cases ng tetanus. If anything happens to them, the government is accountable”, ani Alcantara.
Ang paglabag sa batas ay may kapurasahang pagmumulta ng hanggang P 2000. Ito ay ipatutupad ng Municipal Social Welfare and Development, Task Force Kalikasan ng MENRO, Los Banos Traffic Management Office at Baranggay Peace Security Officers.
“It’s worthwhile to let the community know that we are moving in that direction. We are for the welfare of the youth, because the potential cost is greater that the benefit if we allow them to do so”, ayon kay Alcantara.
Laganap ang pangagalakal sa Brgy. Timugan kung saan iniipon ang lahat ng basura ng Los Banos bago ito ipahakot sa dump site.
Ayon sa Brgy administrator na si Reynaldo Maligalig hindi talaga pabor noon pa man ang kanilang baranggay sa pangagalakal ng mga bata.
“Ayaw namin talga na nangyayari yan. Kasi, dito sa amin mayroon talaga kaming mga magbabasura na mula din dito sa baranggay. Sa mga basurang yan lang sila kumikita. Dahil sa mga nagagalakal, nawawalan sila ng pinagkakakitaan,” ani Maligalig.
Kung maaprubahan ni Mayor Ceasar Perez, Los Banos ang kauna-unahang bayan sa Laguna na nakapag-akda ng naturang ordinansa.