K to 12 Program in Los Baños: A visit to the pilot classes

by Margie I. Calilap, Jan Amiel C. De Leon, Kaizzey Marjorie T. Javier, Ysabel Anne C. Lee, Nicole Lorraine R. Prieto, and Mary Josene Uriel V. Villar

Halfway through the academic year of the K to 12 Program pilot, there are understandably mixed reactions from different stakeholders regarding the implementation and effectiveness of the program. K to 12’s main communicated advantage – producing more educated and competent graduates who could become high caliber professionals in the future – will be experienced in the long run.

At this early stage of K to 12 implementation, what is more felt is the difficulty encountered and being dealt with by school administrators, teachers, parents, and students.

K to 12 Program, in review

June 2012 ushered in the implementation of the Department of Education (DepEd)’s K to 12 Program.  The new program uses revised curriculum for Grades 1 and 7, with Grade 7 formerly being the first year in high school.

One of the objectives of K to 12 is to “provide a 12-year basic education program with strong fundamentals to equip students with life-skills and competencies, thus making graduates more productive and responsible citizens of the country”. This is according to DepEd’s Discussion Paper on the Enhanced K to 12 Basic Education Program formulated in 2010.

DepEd has selected conveners to cover different learning areas such as Social Studies, Language (English, Filipino, and Mother-tongue based), Science, Mathematics, Health, Music, and Art.

Assistant Professor Czarina Agcaoili from the University of the Philippines (UP) College of Education said that she was assigned to a learning area team (LAT) along with colleague Asst. Prof. Vanessa Oyzon. Professors Agcaoili and Oyzon worked with other teachers from the Department of History of the UP College of Social Sciences and Philosophy including Dr. Maria Serena Diokno, who spearheaded their LAT.

The medium of instruction used in the materials and for teaching Grade 1 are meant to be translated to various regional languages in accordance with the mother-tongue based instruction guidelines. Prof. Agcaoili explained that, “Based on the results of studies, kasi mas natututo ang mga mag-aaral kung ang gamit ang language na una nilang nakagisnan (students have a better understanding of the lesson if it is taught using their first language).”

Schools around Los Baños, Laguna, such as Maquiling School Incorporated (MSI), Los Baños National High School (LBNHS), and the University of the Philippines Rural High School (UPRHS) have started implementing K-12 this academic year. All three schools have oriented the parents and students and introduced them to the K-12 program. The workshops also served as venues to address concerns and questions about the implementation of K to 12.

As a private school, MSI easily adapted to the implementation of the K-12 program saying that the school started to prepare as soon as DepEd proposed the K to 12 program.

Public and private schools are mandated to adhere closely to the guidelines of the program, since they are under the jurisdiction of DepEd. This is not the case for the UPRHS, which in principle, is under DepEd the Commission on Higher Education (CHED), as it is a unit under the UP Los Baños College of Arts and Sciences. Nevertheless, UPRHS modified its curriculum to enhance subject offerings to be synchronous with the K to 12 pilot.

School Administrators as implementers

School administrators of MSI, LBNHS, and UPRHS have expressed the view that the K-12 program is indeed beneficial for the students and also for the country. The schools have embraced the K to 12 program with positive feedback.

“The school management is always open to positive curriculum changes,” said MSI Principal Mona Opaco. “It is too early to assess (the outcome of K to 12) but one thing is for sure, the school will continue to improve and adopt the program.”

LBNHS Principal Leonila Murad viewed K to 12 in positive light. She views the program as the “sagot sa kahirapan (solution to poverty)” adding that “K to 12 is the solution for quality education that we had been longing all these years.”

Prof. Liza Carascal, the principal of UPRHS, observed that some Filipinos tend to be stubborn about accepting the fact that not all of our high school graduates are prime college material, and said “kung hindi ngayon, kailan pa tayo magsisimula (If we do not act on it now, then when do we plan to)?

Added cost for parents

Misinterpretation of information may have caused some parents’ disfavor towards the implementation of K to 12. They view the program as a factor that only aggravates their current financial burden because of the two additional school years they’d need to finance for their children’s education. “Okay sana ang K to 12, pero mas okay sana kung inayos nalang nila yung quality of education sa Pilipinas (K to 12 is okay. But it would have been better if they just improve the quality of education in the Philippines),” said Mrs. Solisi.

Students torn about the effects of K to 12

Students as beneficiaries of the program share different perspectives about the implementation of the program.

The majority of the freshmen interviewed from the LBNHS said that they are in favor of the K to 12 and are excited to be part of the first batch of students to undertake the program. “Noong una po talagang naguguluhan kami. Eh pinaliwanag naman po sa amin yung benefits na maitutulong sa amin. Sang-ayon na po kami .(At first we were confused but after being briefed and oriented about the benefits of the program, we eventually agreed),” this is according to a freshman of the pilot class of LBNHS.

On the contrary, other students tend to disagree because of assumptions that K to 12 might imply added academic load and financial burden. Ms. Tolentino, a freshman student of MSI said, remains neutral to the issue saying “…Yung iba kailangan po nila yung K to 12 kasi wala po silang pampaaral sa college. Yung mga gusto naman po mag-college, madadagdagan pa ng dalawang taon (It will benefit those who cannot afford to go to college at the same time, those who want to go to college are required to take two more years)”.

Favorable responses from the students to the K to 12 can be attributed to the comprehensive background on K to 12 given to them.

Going back to basics: the main reason for K to 12 implementation

K-12 was proposed primarily because degree holders from the Philippines are not recognized abroad. This is because the current 10-year basic education system in the country does not comply with the almost universal threshold of 12 years basic education. “Of course, gusto natin makasabay sa mundo at ma-acknowledge ang professionals natin sa labas ng bansa (we want to be able to be part of global changes and be recognized as professionals outside the country),” said Ms. Helen Ramos, DepEd’s K to 12 coordinator in San Pablo, Laguna.

When asked if public high schools have enough facilities to accommodate the large number of students enrolled when the time grades and 11 and 12 are introduced, Ms. Ramos clarified that the DepEd will tap the resources of private schools in order to achieve the goal of accommodating the number of students who will be attending senior high.

“In any change process, there will always be adjustments and adaptations,” Ms. Ramos stated. “And it will be good to muster strong political will to drive K to 12 forward,” she added.

Mga paaralan sa Siniloan, Laguna lubog pa rin sa baha

ni Earl Gio N. Manuel

Tatlong linggo matapos salantahin ng hanging habagat na sinundan ng bagyong Helen ang maraming lugar sa Luzon, bakas pa rin ang iniwan nitong pinsala sa mga paaralan sa bayan ng Siniloan sa Laguna. Ayon sa ulat ng PAGASA, nakapagtala ng halos 472 mm ng tubig ulan ang Habagat sa loob lamang 22 oras na mas mataas kumpara sa bagyong Ondoy noong 2009.

Tinatayang dalawang linggo pa ang itatagal ng baha bago ito humupa sa mga paaralan.

Kabilang ang Siniloan Elementary School (SES), Siniloan Technical and Vocational National High School (STVNHS) at ang Laguna State Polytechnic University (LSPU) sa mga lugar na hanggang ngayon ay lubog pa rin sa baha. Kasama sa mga lugar sa Siniloan na mayroon pa ring baha ay ang mga barangay ng Acevida, Halayhayin, at ang J. Rizal Wawa.

Sa halagang dalawang piso (P2), nakakapunta ang mga estudyante ng LSPU sa kanilang mga silid aralan sa pamamagitan ng bangka.

Ayon sa kapitan ng J. Rizal Wawa na si Brgy. Chairman Epong Em, ang matagal na paghupa ng baha ay nang dahil sa pag-apaw ng ilog Putol at dahil na rin sa pagpapakalawa ng tubig  galing sa lawa ng Caliraya sa bayan ng Kalayaan noong ika-8 ng Agosto.

Patuloy pa ring pumapasok ang mga estudyante sa kabila ng di pa humuhupang baha.

Ayon pa sa kaniya,  maaaring tumagal pa ng dalawang linggo bago humupa ang baha. “Nagkaroon na rin ng matagalang pagbaha sa mga paaralan dito sa Wawa noong bagyong Ondoy at tumagal ito ng isang buwan,” dagdag pa ni Kap. Em.

Sa kasalukuyan, lubhang naapektuhan ang pag-aaral ng mga estudyante sa nabanggit na mga paaralan dahil sa hanggang binting tubig baha na dulot ng pangatlong linggong di paghupa ng baha.

Sa LSPU, halos lahat ng mga klase ay ginawa na lamang “half-day” at nagkaroon na rin ng pasok tuwing araw ng Sabado dahil ang ginagamit na mga silid-aralan ay nasa second at third floor na lamang. Dahil sa tubig baha, napipilitang sumakay ang mga kolehiyo na sumakay ng bangka sa halagang dalawang piso.

Ayon kay Mirra Jane Principe, isang sophomore BS Psychology sa LSPU, nagiging mahirap ang paraan ng pagpasok dahil sa baha ngunit marami pa ring estudyante ang pumapasok at patuloy na nag-aaral sa kabila ng kanilang sitwasyon.

Samanatala, sa STVNHS naman ay nabago ang araw ng pagpasok kung saan tatlong araw na lamang ang kailangang  ipasok ng mga estudyante, ang nasa una at ikalawang antas ay tuwing araw ng Lunes hanggang Miyerkules samantalang tuwing Huwebes at Sabado naman ang nasa ikatlo at ikaapat na antas.

Sa kabilang dako, ginawa namang evacuation center ang ilan sa mga silid aralan ng SES at ang mga estudyante ay pumapasok na lamang ng kalahating araw.

Sa pamamagitan ng pinagkabit-kabit na mga kahoy, nagsisilbi na itong mga tulay sa mga paaralan ng LSPU, STVNHS at SES upang makatawid patungo sa lugar na nais puntahan ng estudyante.

Kasalukuyan namang nasa evacuation center sa SES ang mga residente ng mga apektadong baranggay.

Ayon kay Trisha Anareta, isang residente ng Brgy. Acevida, mas mabuti ay mas maging handa sila sa susunod upang mas maiwasan ang pinsalang dulot ng mga susunod pang mga sakuna.

Buhay Trolley [Mini Documentary]

CREDITS: Manuel Lester S. Niere (raw footage), Adrienne B. Tupas (video editing), Louise Michelle C. Perez (production staff), Myrrh Abigail Krista A. Procianos (production staff), Maria Carmel A. Rimpos (production staff), Ma. Khrisma T. Soliven (script), Paul Isaias P. Tenepere (script), Adrienne B. Tupas (video editing), Licelle B. Varias (production staff), Alon J. Velasquez (narration), and Christine Ann O. Wang (production staff)

Buhay Trolley from the los baños times on Vimeo.

Ang Nakahahawang Kanser ni “Bantay”

Camille Victoria M. Fernandez

[LATHALAIN] Nabahala ang aking ama sa madalas na pag-ubo ni Buddy kaya naman minabuti niya nang dalhin siya sa aming pinagkakatiwalaang beterinaryo. Kaya lang, nang siya ay sinusuri na, natuklasan namin na hindi lang pala ubo ang karamdaman niya. Bagkus, bumatid sa amin ang isa pang sakit na noon lamang namin narinig— ang Canine Transmissible Venereal Tumor (CTVT).

‘Di pangkaraniwang kanser

Ang CTVT ay isang nakahahawang kanser na ekslusibo lamang sa pamilya ng mga aso. Karaniwan ang CTVT sa mga bansang may klimang tropikal kagaya ng Pilipinas lalo pa kung maraming pagala-galang aso na aktibo sa sekswal na aktibidad.

Ang sagabal at masakit na bukol

Ang pagkakaroon ng tumor na may kasamang pagtutulo ng dugo kung ito ay tumubo sa ari, ay sinyales na positibo na sa CTVT ang isang aso. Karaniwan sa eksternal partikular sa ari umuusbong ang bukol sapagkat ang pakikipagtalik ang pinakamabilis at pinakamadalas na paraan upang maipasa ito.

Bukod pa rito, pwede rin namang tumubo ang bukol sa mga mucous membrane gaya ng mga labi, ilong, mata, o kahit na sa biyak na balat kung magkakaroon ng direktang kontak si “Bantay” sa asong positibo sa naturang sakit. Halimbawa, inamoy niya ang ari ng asong may ganitong kondisyon, ilang araw lang ay mahahalata na ang pagtubo ng bukol sa kaniyang ilong. Kung didilaan naman niya ang anumang parte ng katawan na mayroong bukol ay gayun din naman ang mangyayari sa kanyang mga labi. Maski kung makagat siyat ng isang asong may CTVT ay mahahawaan na rin siya nito.

Sa kabilang banda, walang pagbabago sa kasiglahan ng aso gaya ng sa pagkain o pakikipaglaro kung siya ay tinamaan ng CTVT. Wala ring taning ang buhay ng aso sa oras na siya ay mahawaan nito hindi kagaya ng kanser ng mga tao. Kaya lang, maaaring maging sagabal sa aso ang tumor lalo pa kung ito ay patuloy sa paglaki at pagkalat sa iba pang parte ng katawan.

Samantala, may mga naitalang kaso rin naman na ang CTVT ay kumalat sa mga lamang-loob ngunit ito ay napakabihira lamang. Subalit hindi dapat ito ikakampante ng may-ari sapagkat sa oras na kumalat ang tumor sa mga iba pang parte ng loob ng katawan gaya ng kulani, baga, atay, at pali o spleen, mga kadalasang lugar na pinagtutubuan ng tumor, maaari itong magdulot ng matinding komplikasyon.

Ang kaso ni Buddy

Sa kaso ni Buddy, nakuha niya ang sakit buhat sa pakikipagtalik sa aso ng aming kapit-bahay. Bilang nagpalaki sa kaniya, masasabi ko na gaya ng ibang lalaking

lalang siya ay napakaaktibo sa pakikipagtalik kaya naman basta may pagkakataon na siya ay makalabas ng aming bodega na kaniyang binabanatayan ay sinusulit niya namang talaga. Naaalala ko na tumitili pa siya sa gabi kapag hindi siya nakalabas sa maghapon lalo pa kapag nakikita niya ang mga babaeng aso ng aming mga kapit-bahay na pagala-gala sa labas.

Iyon nga lang, dahil sa hindi lamang sa pakikipagtalik nakukuha ang CTVT kung hindi pati rin sa pakikipagsalamuha, nahawaan na nga ni Buddy ang kaniyang dalawang kapatid, sina Scavenger at Bunso, na kasama niya sa pagbabantay ng aming bodega.

Kumpara sa kaniyang mga kapatid, ang kondisyon ni Buddy ay malala na. May lumalabas at tumutulo ng dugo mula sa kaniyang ari lalo pa kapag siya ay nakaalapas at nakipagtalik na naman sa mga asong nasa kalye. Mayroon na ring kahalong dugo ang kaniyang pag-ihi at namamaga na ang kaniyang ari dahil sa pagbulwak ng mismo nitong muscle gawa ng paglaki ng tumor. Dahil sa pangyayaring ito, minabuti naming dalhin siya kasama si Bunso upang ipakapon sa ospital ng mga hayop dito sa College of Veterinary Medicine (CVM) ng Unibersidad ng Pilipinas Los Baños (UPLB).

Bago sila sumailalim sa operasyon, sinuri muna sila ng mga estudyante ng naturang kolehiyo na sina Matt Calibo, Sherwin Camba, at iba pa nilang kagrupo. Ayon kay Calibo, pareho na ngang positibo sa CTVT ang dalawang aso. Ang kay Buddy ay malaki na samantalang ang kay Bunso ay hindi pa gaanong mahahalata bagamat may pamumula na sa kaniyang mga tainga at mga paa. Dagdag pa, inabisuhan ako ni Calibo na maaaring ikamatay ni Buddy ang gagawing opersayon sapagkat bumaba na ang bilang ng kaniyang white blood cells na siyang tumutulong sa pag-iwas mula sa matinding pagdurugo. Habang si Bunso naman ay may taglay pang resistensiyang mainam sa mabilis na pagrekober mula sa isasagawang opersayon.

Samantala, ilang araw bago ang kanilang operasyon ay napagdesisyonan ng  propesor nila Calibo sa surgery  na si Dr. Marco Reyes na hindi maaaring ipagpatuloy ang operasyon ng aking dalawang aso hangga’t hindi nagagamot ang kanilang CTVT.

Ang mabisang lunas

Bagamat isa sa mga lunas sa CTVT ang pagtanggal ng ari, hindi naman nito nasisiguro na 100 porsiyento ngang ligtas na mula sa sakit ang aso. Maaari pa rin siyang magkaroon kung aksidenteng matuluan ng dugo ang anumang bahagi ng kaniyang katawan buhat ng operasyon. Ang pangyayaring ito ay tinatawag ng mga doktor ng hayop bilang seeding.

Ang pinakamabisang paraan upang tuluyan ng mawala ang CTVT sa sistema ng isang aso ay sa pamamagitan ng pagsuswero ng Vincristine sulfate isang beses kada linggo sa loob ng apat hanggang anim na magkakasunod na linggo o depende sa pangangailangan.

Ayon kay Dr. Leila Flores, propesor sa Department of Veterinary Clinical Sciences ng CVM, kahit na kayang bigyang lunas ang CTVT, maaari pa ring magkaroon ang isang asong tinamaan ngunit gumaling na. Papaano? Kung siya ay makikipagtalik muli o may direktang kontak sa mga asong may naturang sakit.

Ayon sa mga talaan, mayroon ng humigit 80 kaso ng CTVT ang nahawakan ng mga doctor mula sa ospital ng mga hayop sa UPLB simula ng taong 1990 hanggang Hulyo 2011.

Noong 2003, naitala ang pinakamataas na kaso ng CTVT sa Los Baños. Umabot ng 19 ang bilang ng mga asong ipinasuri na naging positibo rito. Ayon kay Dr. Flores, may nahawakan siyang kaso tungkol sa isang kilalang nagpapalahi at nagbebenta ng mga aso sa naturang bayan kung saan ang kaniyang inahing aso ay nahawaan ng ito ay ipakasta. Ang hayop ay naging sanhi upang maipasa ang sakit sa iba pang kasama niyang aso.

Ang nakasaad sa itaas ay isang pagpapatunay na hindi lamang tanging mga gala at napabayaang aso ang kandidato sa pagkakaroon ng CTVT kung hindi maging ang mga pinakaiingatang mga purong lahing aso.

Bukod pa roon, mas maraming babaeng aso ang may CTVT sa buong mundo. Base sa isinasagawang pag-aaral nila Dr. Flores, ang mga babaeng asong may edad tatlo ang mas delikado sa pagkakaroon nitong sakit. Napuna rin nila, base na rin sa kanilang mga datos, na ang panahon kung saan maraming aso ang nagtatalik— at nagkakaroon ng CTVT— ay sa pagitan ng mga buwan ng Oktubre at Nobyembre.

Sa kabuuan, unti-unti nang bumaba ang bilang ng mga asong dinadala sa ospital ng mga hayop sa UPLB na pumopositibo sa CTVT. Kaya lang nilinaw ni Dr. Flores na hindi sapat na basehan ito upang masabing tuluyan na ngang bumababa ang antas ng mga kaso ng CTVT hindi lamang sa bayan ng Los Baños maging sa buong Pilipinas. Ito ay sa kadahilanang tanging ang mga naging pasyente lamang nila na may naturang sakit ang kanilang naitala at kinonsider sa kanilang isinagawang pag-aaral.

Ayon sa mga pag-aaral, ang CTVT sa ngayon ay hindi dala ng virus. Ang cells ng pambihirang sakit ay maituturing na clonal na may kakaibang katangian kumpara sa mga malulusog na cells.

Ayon sa mga libro, may 2000 taon na ang nakalilipas mula ng magsimulang maghasik ng lagim  ang CTVT sa pamilya ng mga aso gaya ng mga lobo. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa mga mananaliksik at eksperto kung papaano nagsimula at nabuo ang nakahahawang sakit.

Samantala, ayon kay Dr. Flores, bagamat nakasulat sa karamihan ng mga librong nabasa ay hindi raw nakahahawa sa tao ang CTVT, may mangilan-ngilan din namang libro siyang nabasa na nagsasabi ng kabaligtaran.

Based on books, there are reported cases of very, very rare occurrence of TVT among humans but there are no journal articles yet to prove this,” sabi niya. Gayun pa man, hindi natin dapat ipagsawalang bahala, lalo na ng mga taong may alagang aso kagaya ko, ang pagkakaroon at pagkalat ng CTVT kahit na ito ay hindi kasing sikat at kagaya ng ibang uri ng sakit ng aso na kapag tumama sa tao ay tiyak ngang nakamamatay gaya ng rabis at leptospirosis.

Mas mainam pa rin na naaalagaang mabuti si “Bantay” upang hindi siya magkaroon ng mga hindi kanais-nais na sakit.

Kung aalalahaning muli, karamihan sa mga nakamamatay na sakit ng tao sa panahon ngayon ay nagsimula sa mga hayop. Kabilang doon ang madcow disease, anthrax, at ang Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) na unang kumalat sa Hong Kong, China.

Ayon sa mga eksperto, ang SARS— ang sakit na pumatay sa libu-libong manok at iba pang uri ng mga ibon— ay pinaniniwalaang nagmula sa bird flu na dulot ng virus. Ito ay buhat ng pagpapabaya ng mga may-ari sa kalusugan at kalinisan ng kanilang mga hayop. Sa paglipas ng panahon, mas nagiging malakas at mas malawak ang pamiminsala ng mga sakit ng hayop na hindi binibigyan ng sapat na atensyon ng publiko.

Kadalasan na ang mga bata at matatanda ang madaling dapuan ng kung anu-anong sakit kaya naman kung ang isang aso na may CTVT ay pababayaan na lamang pagala-gala at makahawa ng marami pang aso, hindi malayong dumating ang araw na katakutan na rin ng milyung-milyong tao ang sakit na ito dahil sa napatunayan nang nakahahawa nga ito sa mga tao.

Pag-iwas sa pagkalat ng CTVT

Upang maiwasan ang pagkalat ng CTVT, ugaliing patingnan nang regular si”Bantay” sa isang magaling na beterinaryo. Sa ganoong paraan, madedetekta at mabibigyang lunas kaagad kung siya ay maging positibo. Isa sa mga suhestyon upang hindi magkaroon ng CTVT ang isang aso, lalo na kung ito ay madalas na lumalabas, ay ang pagpapakapon dito o ang tinatawag na spaying at neutering. Sa pamamagitan ng mga ito, nawawalan na ng gana ang aso sa pakikipagtalik at hindi na siya nagiging agresibo sa aspetong sekswal

Kaya lang, kahit na matanggalan na ng ari ang isang aso, hindi pa rin kasiguruhan iyon sa hindi pagkakaroon niya ng CTVT dahil maaari pa ring makuha ito sa pakikipag-amuyan at pakikipagsalamuha sa mga asong mayroon nito. Kaya naman mas mainam na kung palalabasin ang aso ay samahan na lamang ito nang nakatali upang maging kontrolado ang kaniyang mga gawain.

Sa suma total, mas maigi pa rin kung ang may-ari ng aso ay responsable kaysa sa hindi. Sa bandang huli, kung ipagsasawalang bahala lamang natin ang karamdaman at kalagayan hindi lamang ng ating mga aso maging ng iba pang mga hayop at sarili lamang nating kapakanan ang ating iisipin, tayo rin naman ang mahihirapan at maaapektuhan. Sapagkat ang lahat ng bagay ay magkakaugnay. Ang kahinaan o kalakasan ng isa ay kahinaan na rin o kalakasan ng lahat.

Progress in Brgy. Progreso: A testament to multi-sectoral partnership

Janina Myn Z. Villlapando

[FEATURE] What used to be coconut farm wastes found in abundance along the coastline of Gumaca, Quezon has become a major source of livelihood for the residents of Brgy. Progreso. This was made possible by the newly constructed decorticating or husking plant in Brgy. Progreso in Gumaca.

When the coconut husk is processed, 70 percent becomes coco peat and the rest is the coir

Barangay Councilor Joel Vicente, a 31-year-old plant machine operator, was one of the first to be part of the project. Barangay Councilor Vicente explained that their barangay benefitted greatly from the decorticating plant that produces coco coir, a fiber from the outer husk of the coconut used to make ropes and matting. Vicente added that with more than half of the plant personnel coming from Brgy. Progreso, the decorticating plant has provided residents with a major source of income.

The decorticating plant processes coconut husks, extracting the fiber known as the coco coir. The production of coco coir  produces a by-product called the coco peat. The coir can be found in mattresses, upholstery, ropes, and doormats. It is also used as geo textile for soil erosion control and desertification. The peat, on the other hand, is used in horticulture and vegetation as soil additive and conditioner and as a growing medium.

White smoke emerges as the the operator sets the decorticating machine into actionThese products are exported mainly to countries like China, Japan, Taiwan, Singapore, Korea, Hong Kong, US, Canada, and the United Kingdom. Furthermore, demand for coir products continues to increase because of the cheap, high-quality products produced. The organizations involved aim to reach more countries and more markets by the end of their five-year plan.

Tripartite agreement

This Coco Coir Production Project is managed through the partnership of the Department of Agrarian Reform-Quezon II (DAR-QII), Filcoco Ventures Inc. (FVI), and Vibavipagasa Farmers Credit Cooperative (VFCC). A memorandum of agreement was signed by these parties on June 24, 2011 at Mandaluyong City. They have agreed upon a five-year plan consisting of activities such as the “May pera sa bunot campaign”, construction of farm to market roads, entrepreneurship trainings to farmer organizations and more which will help achieve the projects’ objectives: to develop and expand the supply of coco coir; improve access to market information; and strengthen market linkages.

According to the agreement, DAR-QII has to ensure the sustainability of coconut-based enterprise and shall provide technical assistance, monitoring, skills development and evaluation of the project. FVI, which is part of the Green Terafirma Pte Limited (GTL) Group of Companies, will provide financial assistance and transportation of husks from other barangays. The implementation of the strategies and general policies are in the hands of the VFCC.

“The ultimate goal is to increase export earnings from 1.3 million dollars up to 6.5 million dollars by the end of 2016” said Samuel Solomero, Provincial Agrarian Reform Officer II of DAR-QII.

They currently have three plants in Quezon located in Alabat, Catanauan, and Gumaca. Through the Gumaca coco coir plant alone, they will be able to employ around 120 people. Satellite plants are still planned to be constructed at different places in the Philippines.

Fifty-one-year-old Angelito Marcelino’s previous job was based far from his family in a field not related to what he studied. Marcelino is a mechanical engineering graduate.  When the decorticating plant was established in Gumaca, Marcelino had the opportunity to apply his expertise. “I have more time for my family now,” Marcelino added.

Working in the plant does not require a college degree. This was an opportunity for Leonardo Eduarte, 19 years old. The salary is sometimes not enough, according to Eduarte, but he manages to get along. Since he resides far from the plant, he has to pay for his transportation, an added expense. He hopes to become a regular worker and secure a steady pay.

The plant transformed Brgy. Progreso, as seen not only by the workers directly benefitting from it, but also by its residents. According to Samuel Hernandez, a government employee and current resident of Brgy. Progreso, there has been significant changes in their barangay since the beginning of the operation of the plant. Even “tambays” became part by selling husks to the company and earning a small but considerably helpful amount of money. “I think in the long run, the company will boost the economy of Gumaca and even nearby towns” Hernandez added.

Issues

The decorticating plant has proved to be beneficial to the residents of the barangay, but some fear of the problems the plant may cause. Residents are saying that the plant will affect the quality of the water in the river nearby because of the resulting liquid from the coco peat. This has not yet been proven and the organizations involved assure the people that they doing all the mitigating process to avoid this. “We are building a leaching chamber to catch the liquid from the coco peat and store it for a time .This process will neutralize the acid from the coco peat liquid and it will be allowed to enter the river when it has been neutralized already” said Plant supervisor, Marcelino.

Still the coco coir production project has its advantages to the environment. What is generally considered waste can now be used to provide income to workers and thus lessening the threats of pollution in the place.

A new dimension for the coco husk

This project gave a new dimension for the ordinary coco husk which are otherwise just thrown, burned or lay into waste. It now has economic value though evidently very small.

“The environment and social impact of the business made us to embark on this project and to develop the technology” says Noel Florido, FVI President. He also added that the “partnership with DAR is consistent with its objective of poverty alleviation”.

Brgy. Progreso demonstrates how the collaboration between government agencies, private businesses, and the community can lead to mutually-benefitting and sustainable livelihood programs.