COMELEC holds training for election inspectors

by Ricarda Villar

More than 5,000 participants from various parts of Laguna took part in the Board of Election Inspectors Certification Training for Laguna last March 1 to 22 at Splash Mountain Resort in Brgy. Lalakay, Los Baños.

According to Elections Officer Randy Banzuela of the Los Baños Commission on
Elections (COMELEC) office, around 180 election inspectors from Los Baños took part in the training scheduled last March 9 to 10. The Los Baños election
inspectors were composed of public school teachers, civil servants, and private
citizens.

The election inspectors from the different municipalities and cities
of Laguna underwent the two-day certification training in preparation for the
upcoming May 9 elections.

The first part of the certification training was an orientation about the
election procedures, as well as updates on the operation of the new vote counting
machines (VCM) which will be used in place of the Precinct Count Optical Scan
(PCOS) machines that were used in the 2010 and 2013 elections. During the
certification training, participants underwent an examination conducted by
representatives of the Department of Science and Technology (DOST).

Banzuela explained that the Board of Election Inspectors Certification Training
for Laguna is one of COMELEC’s efforts in ensuring efficiency and orderliness during the
May 9 elections.

Libreng prosthetic legs para sa 4 na LB amputees, handog ng Rotary Club

ni Lorelie Liwanag, miyembro ng Los Baños Federation of Persons with Disabilities at focal person ng Los Baños Office for Persons with Disabilities

Apat na amputees mula sa Los Baños ang mabibigyan ng libreng prosthesis sa darating na Mayo bilang bahagi ng Regalo, Handog sa Magandang Kinabukasan na proyekto ng iba’t-ibang Rotary Club (RC) chapters sa CALABARZON. Kabilang dito ang RC-Los Baños, Cabuyao Circle, Lipa-West, at Sariaya.

Noong March 22, sinukatan para sa kanilang libreng prosthetic legs ang apat na beneficiaries na sila Marilyn Latuga ng Brgy. Bambang, Alberto Artisola ng Brgy. Malinta, Oliver Maningas ng Brgy. Mayondon, at Trisha Opena ng Brgy. Putho-Tuntungin. Ito ay ginanap sa Brgy. Sala Basketball Court, Cabuyao City, Laguna. Kasama nila ang mga napiling amputees mula sa CALABARZON na hahandugan rin ng RC ng prosthesis.

Aksidente sa motor ang sanhi ng pagkapilay ni Latuga habang diabetes naman ang sanhi ng kay Artisola. Nasagasaan ng tren ang paa ni Maningas kung kaya siya ay naging amputee habang si Opena naman ay may cancer sa buto na sanhi ng kaniyang pagkapilay.

Nakipagtulungan ang Los Baños Federation of Persons with Disabilities (LBFPWD), Inc. sa Rotary Club ng Los Baños sa pamumuno ng kanilang presidente na si Dr. Donald Padua upang mabuo ang listahan ng beneficiaries sa bayan ng Los Baños. Ang tulong na mabigyan ng libreng prosthetic leg ay pagbibigay din ng pag-asa para sa mga beneficiary.

Brgy. Malinta, nakiisa sa programang organikong pagsasaka

ni Ma. Emily Alforja, Los Baños Times Collaborator at Pangulo ng Kapisanan ng mga Samahan sa Malinta (KASAMA)

Ang Kapisanan ng mga Samahan sa Malinta (KASAMA) ay nakibahagi sa programa ng Department of Agriculture (DA) ukol sa organic farming.

Sang-ayon sa National Organic Agriculture Program ng Republic Act No. 10068, layunin ng programa na ipalaganap sa mga magsasaka ang paggamit ng makabagong pamamaraan sa pagtatanim na gamit ang mga organikong pampataba at pamuksa sa insekto ng iba’t-ibang uri ng halaman at gulay.

Layunin din ng DA na ang Los Baños ay makilala bilang “organic town” at makag-ani ng iba’t-ibang halaman at gulay gamit ang organikong pamamaraan.

Bukod sa Brgy. Malinta na kinakatawan ng KASAMA, mayroon pang anim na barangay na nakibahagi sa programa. Ito ang mga sumusunod: Bambang, Bagong Silang, Bayog, Mayondon, Putho-Tuntungin, at Timugan.

Bawat barangay ay may 15 kinatawan. Sila ang naatasan na mamahala sa pagtatanim. Sila rin ang dadalo sa mga pagsasanay ang DA ukol sa organikong pagsasaka. Inaasahang matutunan sa mga pagsasanay ang tamang pagtatanim.

Sa kasalukuyan, may lupang tinataniman ang KASAMA na maaaring magamit sa loob ng dalawang taon. Ang lahat na kagamitan tungkol sa pagtatanim, punla (seedling), pataba (vermicast), at troso para sa patubig ay ibinibigay ng DA sa KASAMA. Ang ani ay ibabahagi sa mga magsasaka.

Nakakatulong ang programa sa mga miyembro ng KASAMA sapagkat nakakadagdag sa kita ng isang pamilya ang mga ani.

Sa Hulyo ngayong taon, ipagdiriwang ng KASAMA ang unang anibersaryo nila sa programa. Ang kasama ay binubuo ng mga mamamayan mula sa limang purok ng Brgy. Malinta. Sa kasalukuyan, mayroon itong 300 miyembro; karamihan ay mga mangingisda.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-uganayan kay Ma. Emily Alforja, pangulo ng KASAMA, sa numerong 0930-800-0274.

Supot-making training, isinagawa para sa PWDs ng bawat barangay

ni Lorelie M. Liwanag, Focal Person ng Los Baños Persons with Disabilities office at Lenie Bonapos, miyembro ng  Los Baños Federation of Persons with Disabilities

Nagkaroon ng libreng pagsasanay sa paggawa ng supot sa bawat barangay ng Los Baños noong Pebrero 23, 24 at 26, sa pamumuno ng Public Employment Service Office (PESO) ng munisipyo. Layon ng pagsasanay na bigyan ng hanapbuhay ang persons with disabilities (PWDs) na kasalukuyang walang trabaho.

Bukod sa supot, tinalakay rin ang paggawa ng kahon para sa kandila, sabon, at pagkain. Ang lahat ng dumalo sa pagsasanay ay nabigyan ng starter kit para sa pagsisimula ng negosyo.

Hinati-hati ang mga barangay sa iba’t-ibang araw upang mapagtuunuan ng pansin at oras ang pagsasanay. Nagsimula noong Pebrero 23 ang aktibidad sa anim na barangay ng Anos, Bayog, Batong Malake, Maahas, Mayondon, at San Antonio. Sa huling araw, Pebrero 26, naman naganap ang pgasasanay sa mga barangay ng Bagong Silang at Putho-Tuntungin.

Agriculture and fishery council tackles climate change

by Martin Imatong, Los Baños Times Collaborator and Los Baños Local Climate Change Adaptation and Mitigation Program (LCCAMP) consultant

The Los Baños Municipal Agriculture and Fishery Council (MAFC), headed by Rolflen Atienza, hosted the Provincial Agriculture and Fishery Council (PAFC) meeting last February 9 at the Los Baños New Municipal Building.

The Laguna PAFC is composed of 30 members represented by 6 cities and 24 municipalities. The meeting focused on the compliance of AFCs on all projects to be endorsed for possible assistance if the AFCs pass through proper coordination and screening. The meeting also moved to create a Climate Change Committee on all levels of the AFCs in Region IV-A.

The highlight of the forum is the Climate Change Science presentation from the Los Baños Local Climate Change Adaptation and Mitigation Program (LCCAMP) secretariat facilitated by Joan Rolusta.

Probisyon para sa brgy PWDs, aprobado sa sangguniang bayan ng Los Baños

Lorelie M. Liwanag, Los Baños Times Collaborator at Focal Person ng Los Baños Persons with Disabilities Office

Noong Pebrero 2, opisyal na inaprubahan ang Municipal Ordinance 2016-1510. Sa ilalim ng ordinansa, magtatalaga ng Barangay Persons with Disabilities Coordinator (BPWDC) sa bawat barangay ng Los Baños. Ang mga BPWDC ang tutulong sa Office for Persons with Disabilities na magpatupad ng mga programa at proyekto sa bawat barangay.

Ang mga pangulo ng Barangay Persons with Disabilities Association ang tatayong BPWDCs. Mayroong 13 samahan ng Barangay Persons with Disabilities Association sa bayan ng Los Baños: Anos, Bambang, Batong Malake, Baybayin, Lalakay, Maahas, Malinta, Mayondon, Putho-Tuntungin, San Antonio, Tadlac, at Timugan. Layon ng samahan na mas paigtingin ang partisipasyon ng mga PWDs sa komunidad at palawigin ang kanilang oportunidad sa trabaho, edukasyon, paglinang ng kakayahan, at iba pang aspeto.

Bahagi din ng ordinansa ang tungkulin ng bawat BPWDC at ang pagbibigay ng isang opisina sa bawat barangay para sa kanila. Magkakaroon rin ng travel allowance ang mga BPWDC na nagkakahalaga ng limang daang piso (PhP 500.00) kada buwan. Ang pondo ay paghahatian ng internal revenue allotment (IRA) ng Los Baños Office of Persons with Disabilities mula sa munisipyo at ng bawat barangay.

Ang ordinansa ay sang-ayon sa Republic Act 9442 o ang Magna Carta for Persons with Disabilities, kung saan isinasaad ang tulong ng gobyerno sa mga may kapansanan.

Noong Enero 25, sa Sangguniang Bayan Conference Room ng munisipyo ng Los Baños, nagkaroon ng pagpupulong ang mga konsehal ng bayan na sina Antonio Kalaw, Cesar Cabrera, Julius Moliñawe, Benedicto Alborida, Ricardo Bagnes, at John Emmanuel Oliva, kasama ang mga opisyales ng Los Baños Federation of Persons with Disabilities (LBFPWDs) Inc. at ng Municipal Budget Officer Genoveva Poyaoan. Sa konseho ay tinalakay ang mga probisyon ng Municipal Ordinance 2016-1510.

Ang 13 Barangay Persons with Disabilities Association ay pinamumunuan ng LBFPWD at sinusuportahan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).