LB to host week-long events for LB@400

To mark Los Banos’ 400th anniversary, a week’s line up of activities awaits residents and tourists from September 14 to 20 during the 14th Banamos Festival.

The festival kicks off with the opening of week-long local expos, the Banamos Sale and the Barangay Booth Trade Fair to be held at the old municipal covered court starting September 14, Monday.

An evening of culture will grace September 15. Members of the town’s public schools are poised to host DepEd Night where students will stage Philippine folk performances.

Also part of the activities is a 1990’s themed dance contest, Bailamos, on September 16, 7:00 pm. Twelve groups from Laguna will vie to bag cash prizes of PhP 20,000 (first place), PhP 15,000 (second place) and PhP 10,000 (third place).

Declared a municipal holiday, bulk of the activities will unfold on September 17, the town’s founding anniversary. The day opens with a Civic Parade which starts at Olivarez Plaza, 6:00 am, and ends at the old Municipal Covered Court at 9:00 am. Following the parade are two simultaneous events: unveiling of the Los Banos Museum and the foundation anniversary program. The old municipal building at Brgy. Baybayin will be re-opened as the town’s museum. To lead the ribbon cutting ceremony is Mark Lapid, Chief Operating Officer of the Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA).

In the foundation anniversary program, Outstanding Citizens of 2015 winners will be announced under the following categories:

  • Outstanding Citizen (Professional);
  • Outstanding Citizen (Non-Professional);
  • Outstanding NGO/ Civic Organization;
  • Outstanding Public School Teacher (Elementary and High School);
  • Outstanding Citizen for Sports Development;
  • Outstanding Cooperative;
  • Outstanding Municipal Employee; and
  • Outstanding Barangay Official.

On the night of September 18, ten bands will compete at Himigsikan. Winners will receive PhP 20,000 (first place), PhP 15,000 (second place), PhP 10,000 (third place) and       PhP 5,000 for the best original composition.

Everyone is invited to join the World Record Shower Fest on September 19, 6:00 am. According to the Municipal Tourism Office, Los Banos will aim to beat the world record of 350 people participating in a shower fest.

From world record to mass dancing, Los Banos will also host a series of Zumba sessions on September 15, 17, and 19 at the old municipal covered court. On September 19, the Zumba session will be led by Regine Tolentino, celebrity choreographer and dancer. Dubbed Zumbanos, this event starts at 3:00 pm. In the evening, 14 pageant candidates will vie for the crown, Miss Los Banos 2015.

The quadricentennial week concludes on September 20 with an inter-barangay sports fest, Palarong Banamos, 6:00 am; followed by a samba-themed street dance event, Bayle sa Kalye, 12:00 pm; and the closing program, Grand Revelry, at 7:00 pm.

More information on the schedule of activities is available at the Los Banos Municipal Tourism Office at (049) 530-2818.

Brgy. Tuntungin-Putho ipinagdiwang ang Youth Week

Ni Kon. Dory Lagman

Inilunsad ng Brgy. Tuntungin-Putho ang isang linggong pagdiriwang ng Youth Week mula Oktubre 26-31, 2014 sa pangunguna ng Sangguniang barangay at ng Taskforce for Youth.  Nagkaroon ng iba’t-ibang gawain ang barangay sa loob ng isang linggo kung saan nakilahok din ang mga mag-aaral ng Tuntungin-Putho National High School.

Nakilahok ang ilang mag-aaral sa isinagawang slogan at poster making contest noong Oktubre 27.

Ang nasabing selebrasyon na may temang “Laban Kabataan; Droga ay Iwasan” ay pinasimulan ng isang parada na nangampanya laban sa droga.  Sinundan ito ng slogan and poster making contest noong Oktubre 27.  Ginanap naman noong Oktubre 28-29 ang livelihood program para sa mga kabataan partikular sa mga out of school youth. Oktubre 30 naman ginanap ang Amazing Race habang ang trick or treat at Halloween Party ay isinagawa noong Oktubre 31.

Nagbigay ng mensahe si Chief Inspector Ricardo Dalmacia, Los Baños chief of police, sa mga kabataan patungkol sa pag-iwas sa droga.

Parol ng pagkakaisa

ni Jeanette I. Talag, presidente ng LBFPWD

Muling nagpamalas ng kagalingan ang mga miyembro ng Los Baños Federation of Persons’ with Disabilities (LBFPWD) sa kanilang nilikhang parol.  May taas na limang talampakan ang kanilang parol na kanilang isinali sa Parol Contest ng munisipyo ng Los Baños.  Kabilang ang kanilang likha sa 22 parol na naisumite sa munisipyo noong ika-30 ng Nobyembre.

Bagamat hindi pinalad na manalo, masaya ang samahan sa kanilang naipamalas na pagkakaisa sa paggawa ng sariling parol.  Ito ang kanilang unang pagkakataon na sumali sa isang Parol Contest.

International PWD Day ng Laguna Federation, isinagawa

ni Jeanette I. Talag, presidente ng LBFPWD

Nakilahok ang Los Baños Federation of Persons with Disabilities sa selebrasyon ng International PWD Day ng Laguna Federation of Persons with Disabilities noong Nobyembre 20, 2014 na ginanap sa Cultural Center ng Sta. Cruz Laguna.  Kabilang din sa mga nakisaya ay ang iba pang mga samahan ng mga may kapansanan mula sa Region IV-A.

Nagtanghal ang mga miyembo ng iba’t-ibang samahan ng kanilang angking talento.  Hindi nagpahuli ang ilan mula sa grupo ng Persons’ with Intellectual Disability sa pag-awit at pagsayaw.  Mayroon ding mga bingi na sumayaw sa modernong saliw at umawit ng mga medley.  Marami ang nagpakitang gilas sa pag-awit na tila mga propesyonal.

Ipinagdiriwang ang International PWD Day tuwing Disyembre ng bawat taon.

LBFPWD, dumalo sa Gender Sensitivity Training

ni Jeanette I. Talag, presidente ng LBFPWD

Naging parte ang Los Baños Federation of Persons’ with Disabilities, Inc. (LBFPWD) sa isinagawang kombensyon sa Richville Hotel, Mandaluyong City noong Nobyembre 20, 2014.  Tampok sa kombensyon ang Gender Sensitivity training at usapin patungkol sa kung paano patuloy na maipaunawa sa lipunan ang angking kakayahan ng mga may kapansanan.

Nagkaroon ng pagkakataon ang LBFPWD na makipag-ugnayan sa iba’t-ibang organisasyong dumalo sa kumbensyon.  Ilan sa kanilang mga nakasama ang Philippine Commission on Women at National Organization on Visually Impaired Ladies na parehong nais na matulungan ang LBFPWD upang makapagpatayo ng sariling tanggapan.

Patuloy ang LBFPWD sa kanilang hangaring maipamulat ang kanilang halaga at parte sa lipunan.

Regional Abilympics, dinaluhan ng LBFPWD

ni Jeanette I. Talag, presidente ng LBFPWD

Dumalo ang 10 miyembro ng Los Baños Federation of Persons with Disabilities, Inc. (LBFPWD) sa Kakayahan 2014: Regional Abilympics na may temang “Talino at Paninindigan ng Taong may Kapansanan, Pasaporte sa Kaunlaran” noong Oktubre 17, 2014 sa Jacobo Gonzales Memorial School of Arts and Trade ng Biñan Laguna.

Idinaos ang Regional Abilympics upang maitanghal ang iba’t-ibang angking talento at kakayahan ng mga may kapansanan.  Ang ilan sa mga itinampok na gawain ay ang pagpapakita ng gilas sa paggawa ng magandang flower arrangements, paggawa ng sapatos, pagpipinta, pagluluto at paglikha ng mga maikling kwento.

Nagpakitang gilas ang ilan ng kagalingan sa pagpipinta.

Dinaluhan ito ng mahigit sa 150 na mga miyembro ng iba’t-bang samahan ng mga may kapansanan mula sa ibat’-ibang bayan na kabilang sa Region IV-A.

Naisagawa ang Abilympics sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development at ng National Council on Disability Affairs Office.