Ulat nina Andrea Amit, Migi Delfin, at Emman Domingo
Noong Mayo 14, 2019, sa munisipyo ng Los Baños, naganap ang proklamasyon ng mga bagong naluklok na opisyal ng bayan.
Nanalo muli sa pagka-mayor si Ceasar Perez na tumakbo bilang Independent party kung saan nakakuha siya ng 18,459 na boto mula sa kabuuhan na 48,112 na rehistradong botante. Ang mga naging kapwa kandidato ni Perez sa pagka-mayor ay sina Budjong Balasoto, Ferdinand Vargas, Norvin Tamasin, at Leo de Guzman. Ito na ang ikatlong termino ni Mayor Perez mula sa pagkakahalal simula noong 2013 hanggang 2019.
sa pagka-vice mayor si Tony Kalaw na tumakbo rin bilang Independent party kung saan nakakuha naman siya ng 18,894 na boto. Natalo nito ang kapwa kandidato sa pagka-vice mayor na sina Procopio Alipon at si Jay Rolusta.
Ang walong pinalad mula sa 37 na kandidatong tumakbo sa pagka-konsehal naman ay sina Baby Sumangil Evangelista, Miko Pelegrina, Janos Lapiz, Jericho Ceciron, Marlo PJ Alipon, Mike Dexter Concio, Mark Lester Dizon, at si Cris Bagnes.
Ang mga lokal na lider ay maglilingkod ng tatlong taon sa bayan ng Los Baños.