Bagong Traffic Lights sa Junction, Umilaw Na

Ulat nina John Samuel Yap at Andrei Joshua Yu

Matapos maaprubahan ang panukalang proyekto noong 2018, pinasinayaan na ng lokal na pamahalaan ng Los Baños (LB) sa pangunguna ng Municipal Development Council (MDC) ang pagpapatayo ng mga bagong digital traffic lights sa sentro ng masikip na daloy ng trapiko ng munisipalidad – ang LB Junction. Continue reading

Mahigit 70 student volunteers, dumalo sa paglulunsad at training workshop ng Bantay Halalan 2019

Ulat nina Jill Parreno, Riezl Monteposo, at Jyasmin M. Calub-Bautista

Bilang paghahanda sa darating na eleksyon ngayong Mayo 13, pormal na inilunsad ng UPLB College of Development Communication (UPLB CDC) ang Bantay Halalan Laguna 2019 nitong Abril 29, 2019 sa CDC Lecture Hall. Sinundan ito ng training workshop tungkol sa pagbabalita gamit ang social media at broadcasting platforms.

Continue reading

Komperensya tungkol sa Family Ecology, ginanap

Ulat nina Patricia Bodiongan at Kristel Matanguihan

Noong Abril 22 ay ginanap ang 3rd Conference in Family Ecology: A Students’ Assembly on the Culture of Resilience of Filipino Families sa NCAS Auditorium ng Unibersidad ng Pilipinas Los Baños (UPLB). Ang programang ito ay pinangunahan ng mga mag-aaral mula sa Kolehiyo ng Ekolohiyang Pantao ng naturang unibersidad. Continue reading

Sampaksaang Pangkalikasan 2019, idinaos sa Los Baños

Gallery

This gallery contains 5 photos.

Ulat nina Kassel Clarisse Kraft at Adela Reyes Upang mahikayat ang komunidad na pangalagaan ang Lawa ng Laguna, ginanap ang Sampaksaang Pangkalikasan 2019 na may temang “Daluyong: Pagmulat ng Kamalayan Ukol sa Lawa ng Laguna” noong ika-22 ng Abril, ala … Continue reading