Organic meat, mabibili sa Sierreza

Gallery

This gallery contains 1 photo.

nina Maria Beatrice Cantero at Laura Mae Tenefrancia Bilang bahagi ng proyektong “Libreng Paaralan para sa mga Dumagat (LiPaD), ng mga Dumagat, para sa lahat”  ay sisimulan ng Sierreza, isang zero-waste store at artisan café. na matatagpuan sa Los Baños, ang pagtitinda … Continue reading

KASAMA nagsanay sa vermiculture

ni Ma. Emily P. Alforja, KASAMA President

Nag-organisa ng pagsasanay sa vermiculture ang local na pamahalaan ng Los Baños na isinagawa ng Gender and Development Office at ng Department of Agriculture para sa mga miyembro ng Kapisanan ng mga Samahan ng Malinta (KASAMA) noong October 18 sa Brgy. Malinta.

Sa pamamagitan ng pagsasanay sa vermiculture, natutunan ng mga kalahok na napakadaling mag-alaga ng bulate gayundin ang paggawa ng vermicast o organikong pataba. Maliit lamang ang kailangang puhunan at hindi nangangailangan ng mahabang oras o panahon para sa pag-aalaga.

Ang pagsasanay ay bahagi ng proyektong vermiculture kung saan tinuturuan ang mga kalahok sa tamang pag-aalaga ng mga bulateng African night crawlers at pag-ani ng vermicast na nagsisilbing organikong pataba.

Natutunan ng mga miyembro ng KASAMA ang pagpapabulok ng tira-tirang pagkain, iba’t-ibang klaseng gulay, tuyong dahon, suha ng saging, at dumi ng baka o kalabaw bilang bahagi ng proseso ng paggawa ng vermicompost.

Ang vermicompost ay ginagamit bilang organikong pataba para sa mga pananim ng mga miyembro ng KASAMA at maaari ding mapagkuhanan ng karagdagang kita.

TAG magsasagawa ng dental mission sa Bay

Sa darating na ika-9 ng Nobyembre, ang  MataTAG na Ngipin 7 dental mission ay gaganapin sa San Antonio Barangay Hall ng Bay, Laguna.

Ang dental mission ay pampito sa serye ng proyektong “MataTAG na Ngipin” ng The Altruist Group (TAG) Los Baños sa pakikipagtulungan ng Philippine Dental Association-Laguna Chapter.

Ang TAG ay itinatag noong ika-16 ng Nobyembre 2012 sa Los Baños. Ang grupo ay binubuo ng mga propesyunal at mga volunteer na layong makatulong sa iba’t ibang komunidad sa Los Baños at kalapit na bayan. Ang naunang anim na MataTAG na Ngipin dental mission ay ginanap sa iba’t ibang barangay ng Los Baños.

Ayon kay Dory Recto, miyembro ng TAG, nasa 7-10 na dentista ang naging bahagi ng pagbibigay ng libreng serbisyo tulad ng dental check up o konsultasyon at pagbubunot ng ngipin sa ginanap na MataTAG na Ngipin 6 sa Brgy. Bayog Barangay Hall. (Larawan mula sa The Altruist Group)

Ang pinakahuling MataTAG na Ngipin ay ginanap sa Brgy. Bayog kung saan nasa 100-150 na residente ang nakibahagi sa dental mission na isinagawa sa barangay hall noong ika-31 ng Agosto.

Ang dental mission sa Brgy. San Antonio sa Bay, Laguna ay isasagawa sa pakikipagtulungan ng Philippine Dental Association-Laguna Chapter ng Los Baños, Bay, and Calauan Dental Cub (LBBCDC) at sa pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan ng Bay, Laguna.

LB LGU nagsanay sa rescue operation

ni Aries S. Isla, miyembro ng Los Baños Group

Nagsagawa ng Rescue Operation Training noong Oktubre 3-5 sa Brgy. Baybayin ang lokal na pamahalaan ng Los Baños sa pangunguna ng Office of the Mayor at ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.

Layunin ng pagsasanay sa rescue operation na higit na mapalawak ang kaalaman at kahandaan ng mga mamayan ng Los Baños ukol sa mga darating na kalamidad nang sa gayon ay makapagbigay ng kaukulang tulong sa mga residente ng Los Baños at sa karatig bayan sa oras ng pangangailangan.

Ang mga miyembro Coast Guard Special Operation Group (CGSOG) Southern Tagalog Command ang naging tagapagsanay ng mga piling kinatawan ng munisipyo at ng mga volunteer mula sa iba’t ibang barangay ng Los Baños.

Dalawampu’t lima mula sa mahigit 30 kataong nagparehistro ang matagumpay na nakapagtapos sa tatlong araw na rescue operation training. Mahigpit na training ang pinagdaan ng mga kalahok. Kinailangang manatiling alisto at magpakita ng kooperasyon at koordinasyon ang bawat kalahok upang matagumpay na maisakatuparan ang bawat hakbang ng pagsasanay.

Matapos ang tatlong araw ng sakit sa katawan at pagsisikap na napagtagumpayan ang bawat pagsubok sa pagsasanay, nabuo ang rescue team ng Los Baños na binubuo ng 25 nakapagtapos sa rescue operation training. (Larawan mula sa Los Baños Group.)