Free Spay and Castration para sa mga alagang aso at pusa, idinaos sa Los Baños

Ulat ni Mark Angelo Baccay

Upang matugunan ang paglaki ng populasyon ng mga ligaw na aso’t pusa, idinaos ang Free Spay and Castration sa Tanggapan ng Pambayang Agrikultor, Munisipalidad ng Los Baños noong ika-27 ng Marso, ganap na ikawalo ng umaga. Ang programa ay pinangunahan ng Livestock sector ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor, kasama ang mga eksperto mula sa Office of the Provincial Veterinarian (OPV).

Continue reading

Pagkilos ng mga kababaihang manggagawa, tinalakay sa Titas of Pakikibaka

Ulat nina Andrea Jo Coladilla at Sophia Romilla

Apat na kababaihan ang naimbitahan upang magpahayag ng kanilang mga karanasan sa Titas of Pakikibaka, isang programang tumatalakay sa mga Babae sa Kilusang Paggawa, sa Drilon Hall, SEARCA, UPLB noong Marso 25, 2019, alas-dos hanggang alas-singko ng hapon. Pinangunahan ito ng All UP Academic Employees Union – UP Los Banos (AUPAEU-LB), UPLB Gender Center, at Tanghal Makiling. Ang programa ay ginanap bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pandaigdigang Buwan ng Kababaihan nitong Marso 2019.

Continue reading

LB GAD, isasagawa ang taunang Walk for a Cause

Gallery

This gallery contains 1 photo.

Ulat ni Riezl Monteposo Sa pagdiriwang ng National Women’s Month ngayong Marso, ang Los Baños Gender and Development (GAD) Office ay muling magsasagawa ng taunang Walk for a Cause sa darating na Marso 8, 2019. Ang nasabing aktibidad ay para sa benepisyo ng … Continue reading

Ilog Saran, nilinis bilang bahagi ng ‘Battle for Manila Bay’ cleanup activity

Ulat ni John Warren G. Tamor

(UPDATED) Pinangunahan ng DENR-Laguna Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) ang paglilinis ng Ilog Saran sa Brgy. Anos at Brgy. Malinta noong Enero 27, 2019 kasabay ng paglulunsad ng malawakang ‘Battle for Manila Bay’.

Continue reading