Free Spay and Castration para sa mga alagang aso at pusa, idinaos sa Los Baños

Ulat ni Mark Angelo Baccay

Upang matugunan ang paglaki ng populasyon ng mga ligaw na aso’t pusa, idinaos ang Free Spay and Castration sa Tanggapan ng Pambayang Agrikultor, Munisipalidad ng Los Baños noong ika-27 ng Marso, ganap na ikawalo ng umaga. Ang programa ay pinangunahan ng Livestock sector ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor, kasama ang mga eksperto mula sa Office of the Provincial Veterinarian (OPV).

Continue reading

Responsible Pet Ownership and Rabies Seminar, ginanap sa Brgy. Batong Malake

Ulat ni Rizza B. Ramoran

Upang matugunan ang paglaganap ng rabies sa pamamagitan ng wastong pangangalaga ng hayop, isinagawa ang Responsible Pet Ownership and Rabies Seminar sa Brgy. Batong Malake noong April 6, 2019 mula ika-9 hanggang ika-11 ng umaga. Pinangunahan ito ng mga estudyante ng National Service Training Program (NSTP) Civil Welfare Training Service (CWTS) ng University of the Philippines Los Banos (UPLB) College of Veterinary Medicine (CVM). Dumalo sa seminar ang 20 kabataan at residente mula sa Batong Malake.

Continue reading

TAG magsasagawa ng dental mission sa Bay

Sa darating na ika-9 ng Nobyembre, ang  MataTAG na Ngipin 7 dental mission ay gaganapin sa San Antonio Barangay Hall ng Bay, Laguna.

Ang dental mission ay pampito sa serye ng proyektong “MataTAG na Ngipin” ng The Altruist Group (TAG) Los Baños sa pakikipagtulungan ng Philippine Dental Association-Laguna Chapter.

Ang TAG ay itinatag noong ika-16 ng Nobyembre 2012 sa Los Baños. Ang grupo ay binubuo ng mga propesyunal at mga volunteer na layong makatulong sa iba’t ibang komunidad sa Los Baños at kalapit na bayan. Ang naunang anim na MataTAG na Ngipin dental mission ay ginanap sa iba’t ibang barangay ng Los Baños.

Ayon kay Dory Recto, miyembro ng TAG, nasa 7-10 na dentista ang naging bahagi ng pagbibigay ng libreng serbisyo tulad ng dental check up o konsultasyon at pagbubunot ng ngipin sa ginanap na MataTAG na Ngipin 6 sa Brgy. Bayog Barangay Hall. (Larawan mula sa The Altruist Group)

Ang pinakahuling MataTAG na Ngipin ay ginanap sa Brgy. Bayog kung saan nasa 100-150 na residente ang nakibahagi sa dental mission na isinagawa sa barangay hall noong ika-31 ng Agosto.

Ang dental mission sa Brgy. San Antonio sa Bay, Laguna ay isasagawa sa pakikipagtulungan ng Philippine Dental Association-Laguna Chapter ng Los Baños, Bay, and Calauan Dental Cub (LBBCDC) at sa pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan ng Bay, Laguna.