Higit kalahati sa party-list candidates, hindi kumakatawan sa mahihirap – Kontra Daya

Gallery

This gallery contains 1 photo.

Hindi kumakatawan sa mga mahihirap na sektor ang mahigit sa kalahati ng mga party-list groups na tumatakbo ngayong eleksyon, batay sa pag-aaral na ginawa ng election watchdog na Kontra Daya ngayong Pebrero 2025. Ayon sa datos na nakalap ng Kontra … Continue reading

Kabuhayan sa Kabundukan: Pag-asa para sa Pagsibol ng mga Bulaklak

Ulat nina Maryrose L. Alingasa, Paolo Miguel S. Alpay, Nikole Kaye M. Battreal, Ithan Grayne J. Borbon, at Mervin A. Delos Reyes

NASA LARAWAN: Mariing isinalaysay ni Tita Mimie (kaliwa) ang kanyang mga karanasan bilang sekretarya ng SMPBM at bilang isang magsasaka. (Larawang kuha ni Nikole Battreal)

Maituturing na simbolismo ng pag-alala ang pagbibigay ng isang bulaklak. Mula sa iba’t ibang selebrasyon tulad ng debut, pagtatapos, anibersaryo, at kasal, hanggang sa panahon ng pagdadalamhati gaya ng pakikiramay at pagbisita sa mga namayapa, ginagamit natin ang dalisay ng mga bulaklak bilang pagpapakita ng pagmamahal sa mga taong malalapit sa ating buhay. Subalit, sa kabila ng mga halimuyak na ibinibigay nito sa karamihan sa atin, tila pait naman ng pagkalanta ang danas ng mga magsasaka nito.

Continue reading