PLEIS, tampok sa Mayondon F2F Job Fair

Ulat ni: Blessy Lyn M. Espenilla

Pagsasala. Kinapanayam ng isa sa participating companies ang isang aplikante para sa job screening sa 5th Mayon-doon DaLakTik Festival Face to Face Job Fair sa Brgy. Mayondon Covered Court, Mayo 5.
Kuha ni Blessy Lyn M. Espenilla

LOS BAÑOS, LAGUNA – Itinampok ng Public Employment Service Office (PESO) ang Province of Laguna Employment and Information System (PLEIS) na magpapadali sa proseso ng job application sa ginanap na 5th Mayon-doon DaLakTik Festival Face to Face Job Fair sa Brgy. Mayondon Covered Court, Mayo 5.

May naitalang 24 rehistradong aplikante ang half-day event kung saan lima ang natanggap agad sa trabaho. Naghihintay naman ng tawag ang iba para sa pangalawang parte ng kanilang aplikasyon.

Ayon kay Barangay Mayondon Secretary Joanna Pauline Camantique, walang  naging malaking aberya sa paggamit ng system para sa job fair sa lugar. 

Problems ay wala naman maliban sa datingan ng mga aplikante,” dagdag ni Barangay Secretary Camantique na siyang kasama sa pag-monitor ng job fair sa covered court.

Labintatlong kompanya ang nakilahok sa nasabing job fair kabilang na ang Ace Hardware Phils. Inc., Alfamart Trading Philippines, Inc., Alprops Management Inc. (Monte Vista), Epson Precision Phils. Inc., at Fully Advanced Manpower Solutions, Inc.

Bukod rito, kasali rin ang Microchip Technology Operations (Phils) Corporation, Microsemi A Microchip Company, One Source General Solutions, Optimized Customer Solutions Inc., Orix Metro Leasing & Finance Corporation, Pipols Synergy Managament Services Inc., Right Goods Phils. Inc, at Teravera Corporation.  

Pagiging paperless

Unang job portal ng Laguna ang PLEIS na nag-uugnay sa mga aplikante at employers. Libre ito at prayoridad nito ang mga aplikante mula sa lalawigan. 

Maaari nang makita ng employer ang detalye ng aplikante sa pamamagitan ng website nang hindi kinakailangan ng tradisyunal na mga dokyumento.

“Ginagamit na din ang PLEIS para sa mga job fair activities para paperless tayo. Tayo din yong first na ‘di na gumagamit ng paper,” pahayag ni Patricia Isabel Lafavilla, employment focal mula sa Provincial PESO – Laguna..

Pagtangkilik sa PLEIS

 Simula noong pandemya, naging katuwang ng ahensya ang PLEIS sa pagsulong ng kanilang virtual job fair dahil na rin sa sinusunod na COVID-19 health protocols. 

Unang inilunsad ang face-to-face job fair  gamit ang PLEIS nitong Marso 4 sa Calamba Job Fair sa Calamba Capitol Extension Office at ika-apat na beses naman sa Mayondon. 

Batay sa pinakahuling datos, mayroon nang 24,890 aplikanteng  may PLEIS account, 177 na rehistradong kompanya, at 397 job postings sa nasabing system simula 2021.

Pagsubok sa paggamit ng PLEIS

Dahil online system ang PLEIS, nangangailangan ito ng access sa internet at sa gamit. Ayon kay Employment Focal Lafavilla, nagsasagawa  sila ng ocular visit  para siguraduhing maayos ang internet connection sa mga lokasyon ng job fair.

Naglagay naman ng assistance desk sa bawat F2F job fair ng PESO para tulungan ang mga tao sa paggawa ng kanilang PLEIS account na walang access  sa internet.

“Okay naman siya, madali naman siyang pasahan ng mga requirement. For tawag and requirements na lang,”  ani  Daryl Reyes, 37, residente ng Mayondon na nag-apply bilang production operator sa tatlong kompanya sa job fair.

Pagkatapos sa Mayondon, may nakatakda ring job fair katuwang ang PESO Laguna sa Mayo 9 (Pansanjan Town Plaza), Mayo 24 (Pamantasan ng Lungsod ng San Pablo), at Hunyo 12.

Bayog celebrates 223rd founding anniversary with Palakayahan Festival 2023

Gallery

This gallery contains 4 photos.

Ulat ni Vera Karuna C. Sudaprasert After a six-year long wait, Barangay Bayog’s Palakayahan Festival is back in full swing. Marking the community’s 223rd founding anniversary, Bayog celebrated the festival’s much anticipated comeback last April 25 to 28, 2023 with … Continue reading

Bilang ng mga batang overweight sa Los Baños, tumaas nitong pandemya –MNAO

Gallery

This gallery contains 2 photos.

Ulat nina France Anzaldo at Selena Patricia Campañer Ayon sa datos na nakalap noong Hunyo 2022 mula sa Operation Timbang Plus, tumaas ang bilang ng mga batang overweight at obese sa munisipalidad magmula ang pandemya noong taong 2020 hanggang 2022. … Continue reading