Tanglaw sa Pandemya: Liwanag na dala ng LATCH LB Human Milk Community Depot

Gallery

This gallery contains 5 photos.

Isinulat nina: Mark Angelo Baccay at Aaron Paul Landicho MAY MAGAGAWA TAYO. Sa gitna ng lumalalang pandemya, hindi nagpapatinag ang LATCH LB at ang mga miyembro nito sa pagsusulong ng kanilang adbokasiya sa breastfeeding bilang pinakamabisang proteksyon na maibibigay natin … Continue reading

Artemio Ortega, street musician, pumanaw na

Image

ulat ni Elijah Jesse Pine

MUSIKA SA DAPITHAPON. Hawak ang bote ng barya sa isang kamay at silindro sa kabila, madalas pumuwesto si Artemio “Tem” Ortega sa tapat ng Jollibee Junction upang tumugtog. Tila sinasalungat ng musika niya ang bulyaw ng mga tao at busina sa kalsada tuwing dapithapon. (kuha ni Ruth Veluz)

Pumanaw na noong Martes, Abril 12 ang bulag na street musician na si Artemio Ortega, mas kilala bilang Kuya Tem o Mang Alexander. Siya ay 47 taong gulang. 

Maaalala si Kuya Tem sa madalas niyang pagtugtog sa Jollibee Junction ng mga awiting gaya ng Top of the World gamit ang kanyang silindro. Sa gitna ng halu-halong init, usok, at ingay sa kalsada, nagbigay ginhawa ang musika ni Kuya Tem sa bawat pasahero at drayber na nakarinig sa masigasig niyang pagtugtog. 

Ayon kay Mehida Mildred Estrella, pamangkin ni Kuya Tem, pumanaw siya noong Abril 12 bunsod ng acute respiratory failure. 

Ipinanganak na bulag si Kuya Tem. Noong siya ay labing-anim na taong gulang, nakapag-aral siya ng self-mobility matapos maipadala ng DSWD sa National Vocational Rehabilitation Center (NVRC) sa Maynila. Sa naturang center nagsimula ang pagkahilig ni Kuya Tem sa pagtugtog, matapos kumuha ng isang klase sa musika. Bukod sa silindro, tumutugtog rin siya ng organ

Naging daan ang pagkahilig ni Kuya Tem sa musika upang makabisita at makatugtog siya hindi lamang sa Los Baños, ngunit maging sa San Pablo, Mindoro, at Marinduque. 

Noong 2017, na-feature ang kwentong musika ni Kuya Tem sa isang special episode ng Dito Sa Laguna. Kasabay ng Linggo ng Musikang Pilipino ang pagpapalabas sa nasabing episode. 

Maaari itong mapanood sa http://bit.ly/2Qw1So8.

Sa taon ring iyon, isinagawa ng UP Silakbo, isang music organization sa UPLB, ang Areglo, isang benefit gig para kay Kuya Tem. Naging bahagi ng naturang gig ang mga bandang kagaya ng Jensen and the Flips at Ang Bandang Shirley. Nagkaroon din ng pagkakataong tumugtog sa entablado si Kuya Tem sa selebrasyong ito.

HARANA. Gamit ang organ at silindro, hinarana ni Kuya Tem ang mga dumalo sa Areglo, ang benefit gig na inorganisa ng UP Silakbo para sa kanya noong 2017. (mula sa UP Silakbo Facebook Page)

“Bilang anak, si Tem ay mapagmahal, responsable, may sariling disposisyon sa buhay, at higit sa lahat maka-Diyos,” ani Gng. Mehida Ortega, ina ni Kuya Tem. 

Mula naman kay Ruth Veluz, isa sa mga organizers ng Areglo at miyembro ng UP Silakbo, “Maraming salamat, Mang Alexander sa araw-araw at gabi-gabi na pamamahagi mo ng iyong talento sa mga taga-Los Banos. Masuwerte kami at pinaunlakan mo ang imbitasyon namin na mapakinggan ng mas maraming tao ang musika mo.” 

Sa mga nais magpaabot ng tulong sa pamilya ni Kuya Tem, maaaring magpadala sa GCash account na nasa ibaba:

MEHIDA MILDRED ESTRELLA – 09502514454

KWENTONG LB: Karanasan sa Bakuna laban sa Covid-19 ng isang Medical Frontliner

Gallery

Ulat nina Maria Sarell Vicente at Angeli Marcon Isa si Dr. Anthony Charles Dalmacio sa mga medical frontliners na unang nabakunahan ng AstraZeneca vaccine laban sa COVID-19 noong ika-19 ng Marso 2021. Si Dr. Dalmacio ay isang ENT o (Eyes, … Continue reading

Kadiwa on Wheels: Mobile Palengke

Gallery

This gallery contains 7 photos.

Ulat ni Junius Tolentino Hindi madali ang pagpapatakbo ng isang supply chain. Ang produkto na nais ibenta nang maramihan ay mangangailangan ng maraming sasakyan upang madala ito sa isang warehouse kung saan ang mga ito ay sasailalim sa inspeksyon, pag-iimpake, … Continue reading

Kwentong LB: Karanasan sa pagpapabakuna ng residenteng may co-morbidity

Gallery

This gallery contains 1 photo.

Ulat ni Jill Parreño Si Elenita Tangga-an, isang 52-anyos na residente ng Barangay San Antonio na may hypertension, ang isa sa mga nakakuha na ng unang dose ng bakuna bilang bahagi ng A3 priority group. Kasunod ng A1 (mga medical … Continue reading

Pangalawang batch ng COVID-19 Vaccines, dumating na sa LB

Gallery

Ulat ni Andrea Tomas at Jeremy Unson Sisimulan na sa Abril 7, 2021 ang pagbabakuna sa mga mamamayang kabilang sa Priority Eligible Group A3, mga residenteng edad 18 hanggang 59 na may comorbidities o mga taong may dalawa o higit … Continue reading